PART 30

84 2 0
                                    

FELICITY's POV 

Minsan talaga hindi dapat tayo naniniwala sa unang sabi ng isang tao, lalo pa at di pa natin nasisigurado ang mga bagay bagay. Lalo na kung sa pagmamahal na ang paguusapan. 

Iisipin mo palang na "Niloko nya lang pala ko." pero wala ka naman sa posisyon para magreklamo, lalo pa at di pa naman nanggagaling sa kanya mismo ang totoong estado ng samahan nyo. 

Hindi din tayo dapat mag-ASSUME, dahil sa bandang huli, tayo lang din ang masasaktan. 

"Oi pareng Jethro, sino yang chikabebe na yan, pakilala mo naman. Share your Blessings pre."-sabi ni Liam at nagtumpok tumpok na silang mga lalake para makilala si Kaye doon sa may buffet table habang kumukuha sila ng pagkain. 

"She's my friend."-maikling sagot ni Jethro habang nakatingin sakin. 

kung titignan ang mga mata nya, parang may gusto syang ipaliwanag. Ang kaso..... 

Ayoko ng mag-assume. 

napatingin naman ako kay Kaye, at nakita ko na para bang nawala ang saya sa ngiti nya, pero nagawa parin nyang ngumiti habang nakikipag kilala sa tropa. 

Birthday ko ngayon kaya kelangan maging masaya ako. Lumapit ako agad kay tatay at kay Faith, natawa ako dahil ang sama na ng tingin ni Faith sa cake, alam kong gusto na nyang kainin yun nahihiya nga lang sya. 

"ATEEEE~!! HAPPY BIRTHDAY~!!" salubong sakin ni Faith at nagumpisa na kong lunurin sa halik. 

"Tatay, salamat po at nakapunta kayo. Di nyo man lang pinaalala sakin na birthday ko pala ngayon." 

"Kasi naman anak, ikaw lang ang kilala kong nakakalimot ng birthday. Ito ngang kapatid mo isang buwan palang naguumpisa ng magtanong kung anong petsa na dahil malapit na daw ang birthday nya."- sabi ni tatay habang kumukuha ng plato para mabigyan na ng pagkain si Faith. 

naririnig ko mula dito ang sigaw ni Liam dahil sa pagrereklamo na gutom na sya at gusto na nyang sunggaban ang pagkain. 

kumuha na din ako ng pagkain, dahil nagugutom na din ako. 

Nilapag ko muna ang plato ko para mailagay sa bag ang mga lollipop na nakuha ko kanina, mamaya na kami magtutos ng mga to. HAHAHA 

"Hi," 

nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Kaye. 

"oh, Kaye ikaw pala. Kaen." 

"Happy Birthday Felicity ah, pasensya na ngayon lang ako nakabati e kanina pa tayo magkakasama dito, ang kukulit kasi nila e. nakakatuwa ang mga kaibigan mo. hahaha" 

"naku sinabi mo pa. May mas ikukulit pa yang mga yan, gutom pa kasi e, hintayin mo pag busog na yang mga yan." 

"oo nga e, ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Jethro ng ganyan." 

"matagal na kayong magkakilala?" 

nakita kong biglang sumilay ang magandang ngiti sa mukha nya, mukhang espesyal si Jethro para sa kanya. 

"oo, nung mga bata palang kami, kami na ang magkalaro lagi. Naaalala ko nga nung binubully ako ng mga bata sa park dati. Siya lang kasi ang nagtanggol sakin nun." 

habang tinitignan ang mga mukha ni Kaye, parang napakasaya nya habang inaalala nya ang nakaraan nila ni Jethro. Ngunit bigla itong lumungkot.. 

"kaso, kelangan na naming maghiwalay nung napagpasyahan ng family ko na sa States na tumira ng dahil sa business ni Daddy. Di man lang ako nakapagpaalam kay Jethro nun. Kaya siguro hindi sya masaya na makita ko ngayon." 

"wag kang mag-alala Kaye, magiging ok din ang lahat. AJA!" 

"ano yung AJA?" 

"parang "Fighting" ganun, kasi kahit gaanong kabigat ang problema natin, basta ang mahalaga gagawin natin ang lahat para masolve ang kahit anong problema natin kahit gaano pa kabigat yan." 

"Alam mo Felicity, ang bait mo. Salamat sa mga sinabi mo ha, nagkaroon talaga ako ng lakas ng loob na ayusin ang samin ni Jethro." 

nung narinig ko yun, di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Pero dapat naman talaga nilang ayusin kung ano ang meron sa kanilang dalawa e. Una sa lahat sila naman talaga ang may pinagsamahan noon pa man. Kung di yun maaayos nakakapanghinayang. 

"magiging ok din ang lahat Kaye, tiwala lang." 

JETHRO's POV 

Bumalik na si Kaye, pero parang di naman ako masaya. 

Nagkakilala pa sila ni Felicity at nakita pa ni Felicity ang paghalik sakin ni Kaye. 

Baka isipin nya na niloloko ko lang sya at lahat ng sinasabi ko sa kanya ay puro kasinungalingan lang. 

Mahal ko na sya. 

Ewan ko pero sa sandaling panahon na nagkasama kami ni Felicity naging magaan na ang loob ko sa kanya. 

"Mahirap ba?" 

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Angelo. 

"Nahihirapan ka bang mangdesisyon ngayon?Talagang nangyayari ang mga di mo inaasahang mangyare. Pano na yan, malaki ang tyansa kong makuha sya sayo." 

Nangangalit ako ng marinig ko yun. Di ko man lang naisip na malaki nga ang posibilidad na makuha nya sakin si Felicity lalo na at malapit sakin si Kaye. Baka kung anong isipin nya. 

"Hindi yan pwedeng mangyare. Hindi ako papayag." 

Sinabi ko yun habang nakatingin ng deretcho sa mga mata nya, ngunit nakakalokong ngiti lang ang binigay nya sakin. 

Kahit anong mangyare, di bale nang may masaktan. 

---- 

Pasensya na lame. Andito ko sa trabaho at patagong nagtatype, gusto ko kasing makabawi sa mga mahal kong readers. Dahil sa sobrang tagal kong mag-update. 

Pagpasensyahan nyo na lang ha. Keep on supporting! 

Kaye101992

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon