SETH's POV
Ilang araw na ang nakalipas simula nung lumabas galing ospital si Felicity. Grabe mga pards nung nalaman ko yung nangyare sa kanya ewan ko ba bigla akong natakot pero lumakas naman ang loob ko para bantayan sya.
Ito kami ngayon papunta na sa canteen para maglunch.
Kasama ko ngayon sila Felicity, Angelo, Julius, Bianx, Liam, Jethro at Trinity.
Naging masaya ulit ako nung pumasok na si Felicity. Ewan ko ba nung wala sya ang tahimik ko. kahit na maraming chix dito sa campus nawalan ako ng gana makipaglandian sa mga babes ko dito.
Pero ngayon ok na ko ulit. Si Felicity na talaga ang vitamins ko araw araw.
Nakapagorder na kami ng mga kakainin naming at ngayon papunta na kami ngayon sa table namin.
Uumpisahan ko na ang mga moves ko. hehehe
Pumunta agad ako sa kanan ni Felicity at dun umupo.
Nagulat naman si Felicity sa bilis ng kilos ko. lalo na si Trinity kasi naman muntik ko na matabig yung tray nya.
"oh pare idol mo si Flash? Bilis mo ah. Ano meron?"-Liam
"manahimik ka. Ahm Felicity alam mo pag magkatabi tayo gusto ko lagi akong nasa kanan mo."
"Sh*t mga pare si Seth bumabanat."-Julius
"banat banat ka pa dyan. Banatan kita dyan e."-Jethro
"hahaha. Oh sige bakit naman Seth?"-sabi ni Felicity tapos ngumiti sakin.
LORD pwede mo na kong kunin!! Ay wag pala muna.
"Para masabi nila na I'M THE RIGHT PERSON FOR YOU! *wink*"
"BOOOOOM!"-Julius.
At nagtawanan na sila, ako naman kinikilig syete nakakabading wooooh!
"oi Seth dahan dahan sa pagngiti. Yung ngiti mo nasa kanto na. mas kinikilig ka pa kesa sa bestfriend ko."-Trinity
"Seth ang babae hindi washing machine para paikutin pero mas lalong hindi dryer para itimer. Alam ko ang karakas mo."- Angelo.
"ikaw talaga, minsan ka na nga lang magsalita manlalaglag ka pa."
"wala ka pala Seth e. *chomp* wala ng maniniwala *chomp* sayo."-Bianx
"puno pa yung bibig mo chabilita, ang siba mo talaga."-Liam
"hmmp. E sabi ng nanay ko seryosohin ko daw ang pangarap ko e."
"ano namang pakialam namin sa pangarap mo"-Jethro
''well mga Pards. Si Felicity lang naman ang nagiisang pangarap ko e. kaya talagang susundin ko ang sabi ng nanay ko."
"BOOOOOM ulit!! Wahahaha. Nakakaingit naman si Felicity."- Bianx
"sige chabilita may pick-up line din ako sayo."-Liam
"talaga. Ayusin mo ha! Yari ka sakin."- Bianx
"oo. Ito na. Chabilita, BABOY ka ba?"-Liam
"eeeeeeh.. LIAM NAMAN E!!"-Bianx
"sagutin mo na lang kasi, sinisira mo diskarte ko e. ano na?"-Liam
"oh sige. Oh bakit?"- Bianx
"wala naninigurado lang. wahahahahaha!!!"-Liam
*PAK*
"napakasama mo talaga Liam. unggoy ka!"
Hahaha. Ayon nga nagkalabasan kami ng mga pick-up line. Ito namang sila Jethro at Angelo lagi ng binabara ang mga banat ko.
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Ficção Adolescentehindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...