PART 12

150 5 0
                                    

FELICITY's POV

Nagising ako sa puting kwarto. Ospital to.

Bumaling ako sa kanan ko.

OUCH.. ang sakit ng tagiliran ko.

Naramdaman kong may gumalaw. At sa gulat ko..

"ANONG GINAGAWA MO DITO?"

"tss."

Si Angelo, nakahiga sya sa tabi ng kama, tapos na karest ang ulo nya. Natutulog siguro sya kanina.

"anong nangyari sakin? Bakit ang sakit ng tagiliran ko?...hala yung pamproject ni Faith di ko pa nabibili. Kelangan ko na umuwe... ARAY! Ouch... ang sakit!!"

"wag ka kasing magulo. Tsk. Di pa magaling ang sasaksak mo sa tagiliran. Tinawagan ko na si Mr. James para ipadala sa inyo yung mga kailangan ng kapatid mo. At tumawag na din ako sa inyo para sabihin na andito ka sa ospital. Mamaya andito na sila."(-___-) Angelo

"ako nasaksak? Bakit? Tsaka paano mo nalaman yung m----."

"wag ka na nga maingay dyan. Mahiga ka na lang. nakukuliling yung tenga ko sayo e."-Angelo na mukhang naiinis na.

Kaya humiga na lang ako. At pilit na inaalala ang mga nangyari sakin kanina.

Ay oo nga pala nahold-up ako kanina. Habang pinagaaralan ko yung iPHONE na binigay sakin ni Jethro. Teka asan yung cellphone?

"asan yung iPHONE kanina. Yung hawak hawak ko?"

"tinapon ko na. mitsa lang ng buhay mo yun e. dahil dun nasak----."

"ANO!!??? Hala lagot ako. Kakabigay lang sakin nun e. tapos di ko pa nga alam gamitin yun. tapos ----."

"aiissh!! Napakaingay mo! Ito oh!! Daldal daldal ng bunganga mo!"

"yehey!! Salamat ha.hehehe. sorry na. sige tatahimik na ko."

Tumahimik na lang ako. Nahihirapan na din ako e. masakit kasi yung saksak ko sa tagiliran pag nagsasalita.

Pero may naalala ulit ako.

"ahmm. Angelo, bakit ka nga pala may baril??"

"baril??..ito?" sabay kuha ng baril at tutok sakin.

"oi....oi... ano ba....wag mo nga itutok sakin yan. Makasa mo yan e. baka makalabit mo pa yan. Baba mo nga yan!." (>__<)

"hahahahahaha. Di ka naman mapapatay nito e. lighter lang to. Nakakatuwa ka naman..hahahaha."- Angelo

Hala. Si Angelo tumatawa. Lalo syang gumagwapo.hihihi

"Angelo, alam mo mas bagay sayo pag nakatawa ka at nakangiti."

Pagkasabi ko nun nawala naman ang ngiti nya.

"magpahinga ka na dyan. Lalabas na ko. andyan na sila."

At tumayo na si Angelo. May nasabi ba kong mali? Sinabi ko lang na bagay sa kanya ang nakangiti at nakatawa e.

At bigla namang bumukas ang pinto. At...

"BESTFRIEND~~!! ASAN NA SUMAKSAK SAYO~~??? IPAPAKULONG KO NA~~!!!"

Kilala nyo na kung sino yan. Walang iba kung di si Trinity.

"ayos ka lang ba Felicity, sabi ko naman sayo hintayin mo na ko kanina e. tsaka sana binigay mo na yung iPHONE, hindi naman importante yan e. mas mahalaga ka dyan."-Jethro.

Natigilan kami sa sinabi ni Jethro. Parang kinilig naman ako dun.

"ahh.. I mean.. mas mahalaga ang buhay mo kesa sa iPHONE. Wag nyo nga akong tignan ng ganyan."-Jethro

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon