PART 15

164 7 0
                                    

picture po ni ulit ni Seth nasa gilid. crush na crush ko yan e..sa mga eepal. PLEASE wag na. hehehe ----->

SETH's POV

"pare sigurado ka na ba dyan ha?di kaya nilalagnat ka lang"- Julius

"seryoso nga kasi ako. ewan ko ba. bigla na lang ako nag kaganito."-ako sabay halumbaba

"naku pare ha. ikaw alam na alam ko ang karakas mo. umayos ka."-Julius habang dinuduro duro ako.

"makaduro ka naman dyan, tusukin ko mata mo e."-ako akmang tutusukin nga ang mata ni Julius.

nagtataka siguro kayo kung ano pinaguusapan namin noh.

well......

"pero pare balak mo na talagang ligawan si Felicity, dalawang linggo pa nga lang kayong nagkakakilala e, ligaw na agad. ibahin mo yun sa iba mong babae pare."- Julius

"iba nga sya sa mga babae ko pre, alam mo naman na sila ang lumalapit sakin. alam mo naman ako. hmm."-ako sabay himas sa baba e. yan ang mga pogi. Chic Magnet. hehehe

*PAK*

"makabatok ka ah, bakit pogi ka ba?"- g*gong Julius to makabatok talaga.

"bahala ka nga dyan."-Julius tapos nangalumbaba na din sya.

"iniisip mo si Ano noh."

kala mong Julius ka ha. may pang black mail na ko sayo.

"e seryoso na tayo pre ha. di ko na alam ang nararamdaman ko para sa babaeng yun."-Julius

"ano na bang tingin mo sa kanya?"

"para syang..... para syang TAGA SINGIL NG UTANG! tama yun nga sya.."

"taga singil ng utang??? bakit naman yun pre?"

"e kasi..tuwing singilan na at nakikita ko na syang papalapit sakin, di ko alam kung pano magtatago. nakakatense. ganun pag crush diba?"-Julius

*PAK*

"corny dre, pambakla."

"tsk, basta ako seryoso ko kay Bianx, natatakot lang ako."

"ako desidido na sa gagawin kong panliligaw kay Felicity."

at yun nga nagusap kami ni Julius tungkol sa plano.

nagtataka kayo kung bakit di kasama si Angelo noh, busy kasi sya e. busy sa pagtulog.

buti na lang at wala yun dito, babarahin lang ako nun e.

 maghanda ka ng kiligin bukas Vida Felicity Cruz kong PINAKAMAMAHAL.

FELICITY's POV

pasukan na naman naghahanda na ko pagpasok, si Faith andito din sa kwarto ko. dito sya natulog kagabi, nagpaturo kasi sya sakin ng assignments nila.

pagtapos naming magayos ni Faith, bumaba na din kami para kumaen. wala si Tatay dito sa pinas ngayon, kasama sya nila Tito Jerry at Tita Cris sa Paris, para asikasuhin ang restaurant nila na nandun, si tatay ang tutugtog syempre.

"GOOD MORNING BESTFRIEND~~!!"

=___= kilala nyo na yan siguro, ang aking bestfriend na Mega Phone.

"waaaah, ate Trinity, nakakagulat ka po, parang may ambulance. yung wang-wang-wang-wang. hihihihi."-si Faith na nagtago bigla sa likod ko, nagulat sa sigaw ni bestfriend e.

hahahaha. mukha ni Trinity---> (=__='''')

"ah ganun Faith so gusto mo magkalaglagan tayo ha. baka gusto mong sabihin ko sa ate mo na---."- Trinity, habang tinitignan si Faith

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon