JETHRO's POV
Ang bilis mo talaga umatake, Angelo.
Tinigtignan ko silang dalawa ni Felicity ngayon habang tumutugtog sila sa harap ng maraming tao.
Masaya sya...
"Hoy Jeth, bakit hindi mo ginagalaw ang food mo?"
Hindi ako makakapagyag na malamangan mo ko Angelo. Maaring masaya ngayon si Felicity sa tabi mo, pero gagawin ko ang lahat para malampasan ang saya na mararamdaman nya pag kami ang magkasama.
"Jeth, nakikinig ka ba?"
"A-ah sorry. You saying something?"
Bakas sa muka ni Kaye ang pagkadismaya sa sagot ko. Alam kong sya ang kasama ko ngayon ako nakakabastos ko nakatuon sa iba ang atensyon ko.
Pero si Felicity naman talaga kasi dapat ang kasama ko.
Pinilit kong ituon ang buo kong atensyon kay Kaye. Namiss ko din naman sya, pero hindi na kasing tindi tulad ng dati.
Masyado nang maraming nangyari.
Masayang kasama si Kaye, palatawa sya at gusto nya subukan ang lahat ng bagay na makakapagbigay ng interest sa kanya. Hindi din sya nauubusan ng kwento at paniguradong mahahawa ka sa kanyang pagtawa.
Ang mga bagay na yun ang dahilan kung bakit ko sya minahal ng sobra.
"Ang ganda nya no'?" Tanong ni Kaye.
Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako kay Felicity.
"Sobra..."
"Kelan kaya ang susunod na teleserye nya?"
"Ha?"
"Anong ha? Yun yung tinutukoy ko oh, si Angel Locsin. Sino bang akala mo?"
"Ah-h. Sya nga yung tinutukoy ko. H-Hindi ko lang masyadong narinig yung tanong mo kanina kaya napa- Ha ako. Sorry."
Tinignan ako ni Kaye na para bang pinagaaralan nya ang kilos ko kung nagsasabi ba ko ng totoo o hindi.
"Ako nga ang kasama mo ngayon, hindi ko naman makuha ang buong atensyon mo." Makahulugang sagot ni Kaye sakin habang nakatingin sa dalawang taong tila nasa kanilang sariling mundo habang sabay na tumutugtog ng Piano.
"Gusto mo ba sya, Jeth?"
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatingin nalang ako sa mga kamay kong kasalukuyang pinaglalaruan ang mga kubyertos.
"Natatandaan ko kasi noon na ganyan ang paraan ng pagtitig mo sakin."
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Teen Fictionhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...