"Oh my god.. p-positive." Gulat na sabi ni Leila. Mukha syang nanghina at biglang napaupp na lamanh sa nakasaradong toilet bowl.
Naandito ako sa hahay ni Leila, tumakas ako kay Kris. Kasalukuyan kaming nakatingin sa pregnancy tester. Dalawang linya. Positibo.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nineteen palang kami, at ni hindi pa kasal.. napakahirap maging ina sa isang taong nag aaral pa. Pakiramdam ko tutulo ang luha ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.
"Maybe we should try again." Mahinang sabi ko. Ayokong maniwala..
"No.. I don't think pregnancy tester would lie.." Pigil nya sa luha nya.
Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Paano na yan, Steph?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Lei. "Sabi na nga ba magbubunga yun eh.."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko malaman ang sasabihin kong maayos na salita.
Nagulat kami ng biglang may kumatok, nasa CR kasi kami ng bahay nila Lei.
"Sinong naandito?" Tanong ni Tita Lou, ang mama ni Lei.
"Itago mo 'yung pregnency tester Steph! Wag mo dito itatapon!" Pabulong na sigaw ni Lei saakin.
"Ah, tita ako po ito si Steph." Sigaw ko na sapat lang para marinig ni Tita. Dinampot ko ang PT at nilagay sa pouch na dala ko.
"Ah sige, puntahan mo na lang si Leila sa itaas, sa kwarto nya." Sabi lang ni tita.
Maya-maya nagdesisyon na kaming lumabas ni Lei sa banyo at mabilis na pumunta sa kwarto nya.
"Bessie anong gagawin ko?!" Umiiyak na sabi nya. Nakita ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha galing sa mata nyang mukhang pagod na pagod na.
Nakita ko ang pagpa-panic sa muka nya, nahihirapan sya.
Siguro ganyan din ang mararamdaman ko kung buntis din ako. Mabuti na lang at dinatnan ako kaninang umaga. Buti na lang ay nagkaroon ako, pero eto ang bestfriend ko.. buntis.
Ni minsan hindi nya naikwento saakin na may nakagalaw na sa kanya, ang alam kong boyfriend nya ngayon ay si Andrew.
"Si Andrew ba?" Tanong ko na mangiyak-ngiyak na din. Makikita ko na lang ba na may dala-dala na syang bata pero walang ama? si Andrew pa? parang si Kris lang yun, babaero din.
"Hindi eh.."
"Sino pala?" Gulat na tanong ko. I wasn't expecting her to deny that.
"Si M-mark.."
"S-si Mark na kababata natin?!" Gulat na tanong ko.
Magaalas-tres na ng hapon nang umalis ako sa bahay nila Leila. Naikwento nya saakin na nagkikita pa daw sila ni mark. Si Mark ay kababata namin, simula palang maliliit kami, lagi na kaming tatlo ang magkakasama, at alam ko din namang may gusto si Mark kay Lei noon palang, pero ang alam ko, wala namang gusto si Lei kay Mark.. pero naging sila. Ewan, ang gulo ng kwento nyang si Leila eh.
Since tumakas na lang din naman ako kay Kris, lulubusin ko na. Pinuntahan ko si Max sa unit nya.
Nang makarating ako, naabutan ko s'yang nakahiga habang naglalaro sa iPhone nya.
Nagulat s'ya nang makita ako.
Akala ko tatayo sya para salubungin ako kasi namiss nya ako pero tumalikod s'ya at dumapa at... natulog?
Tsk. Malamang nagtatampo s'ya.
"Max.. hon.." Paglalambing ko sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang likod nya. I miss him.