Tinignan ko lang sya at nang mapansin kong wala syang balak na umalis sa harapan ko with her face na punong-puno ng makapal na make up, ako na ang nag-iwas tingin at lumakad na sa bakanteng upuan. Irregular nga pala ako kaya kung sino sino from different courses ang nakakasama ko. Sana lang hindi ko maka-sama itong si Amanda sa iba pang period.
"How pathetic, I'm sure iiwan ka din ni Kris pag nag-sawa na sya sayo" Tumabi sya sakin at nakakasigurado ako na sa tingin palang nya sakin, hindi nya ako titigilan.
"Kaya ba iniwan ka na nya?" Mahianang tanong ko. Agad naman syang namula sa galit. I think kaya sya bitter, ay dahil isa sya sa pinagsawaan ni Kris. At nalaman kong totoo yun ng makita kong namula ang mukha nya sa galit.
"Bitch. How could you? I'm sure na babalikan ako ni Kris! I dont even think na nag-eenjoy sya sa'yo!" She hissed.
"Believe me honey. He can't get enough of me." I smirk. Hindi naman ako palaaway. Pero ayoko lang na mapahiya. Ngayon lang ako naka-encounter ng babae na nag-gagawa ng eskandalo dahil lang sa lalaki.
Lalo syang nagalit. Kung ano-ano ang pinagsasabi nya saakin pero hindi ko na lang pinakinggan. Sumandal ako at kunwaring nagre-relax habang sya, kung ano-ano ang pinagsasabi. Hindi ako umimik sa kanya, ang ilang nasa loob ng classroom ay naka-tingin lang. She's funny. Hindi ba nya alam kung gaano sya nag-mumukhang tanga?
"Amanda, here!" Tawag ng isa nyang kaibigan.
Umalis naman sya sa tabi ko, at tumabi na sa kaibigan nya. Wala na akong katabi ngayon. I can do this.
"Good morning class," Tinignan nya ang record na hawak nya at tumingin sa amin na parang may hinahanap, tumigil ang mata nya sakin. "Alright, Stephanie Mae Sanchez. You are very lucky na nakapasok ka pa. Mabuti at may nag-assist sayo, very lucky at si Mr. Martinez pa, am I right?"
"Yes sir."
Nagkaroon ng bulungan pagkatapos kong sumagot.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking.. sobrang neat. Ang puting polong suot nya, ni walang kagusot gusot. Ayos na ayos din ang buhok nya. It looks soft and shiny. Ang ganda ng pagka-katrim, pinapakita sa kaliwang bahagi ng tenga nya ang hikaw.
"Late again, mr. Salazar?"
"Sorry po sir." At lumakad na sya na parang sya ang pinaka-importanteng bagay sa mundo.
Huminto sya sa tapat ng upuan ko at halos mawalan ako ng hininga.
"That's my seat, Steph." Mahinahon pero lalaking-lalaki ang boses nya.
Napalunok ako. Ibang iba sya last time na makita ko sya. Ang kapatid ni Justine, kaibigan ni Lyn at ang nakaaway ni Kris dahil saakin.
"J-Jhaeron?" Ngumiti lang sya saakin. He sat beside me kahit na sinabi nyang dito daw sa pwesto ko sya nakaupo.
"Nice meeting you again. Ikaw pala ang tinutukoy ni Ethan."
Tumingin nalang ulit ako sa harapan. Hindi ko parin makakalimutan ang huli naming pag-uusap, at yung nangyari sa party.
"Ang tagal nyo din ni Kris 'no? I thought hindi kayo mag-tatagal." Bakit ang daldal nya? Can't he see na I'm trying to catch up?
"None of your business." Hindi ako mag-papaliwanag sa kanya kung ano talaga kami ni Kris. Why would I?
Natapos na ang first class ko. Ang susunod na class ko ay sa 3rd Floor. Inayos ko na ang mga laman ng bag ko.
"Saan ang next class mo?" Tanong ni Jhaeron habang hinihintay ako.
Tipid na sinagot ko na lang, kesa naman makipag-kulitan pa ako sa kanya.
"Great, katabi lang sakin. Tara, sabay na tayo."