STDS [44]

159K 2.3K 525
                                    

"Tsk. Umuwi ka na sabi sainyo." Sabi ni Kris sa batang pulubi na pinuntahan kami habang nakaupo kami sa isang bench dito sa parke.

"Kris.. ano ka ba?" Siniko ko sya. Paano naman kasi sinusungitan yung pulubi. Eh pwede naman nyang bigyan na lang ng pera.

"Tsk!" Sabi ni Kris at kinuha ang wallet nya. "Oh." Naiiritang binigay nya ang isang buong 500 sa bata. Ngiting ngiti namang tinanggap ng bata yun.

"Salamaaat po kuya! Napakabait nyo po!" Nakita kong masayang masaya talaga ang pulubi. Syempre, sino bang hindi sasaya kung makatanggap ka ng 500? Yung iba nga piso lang ang binibigay eh.

At ano daw? Napakabait daw ni Kris?

Nakita kong napairap si Kris at naiinis na nag'TSK' Umalis na ang batang pulubi nang ngiting ngiti parin.

"Bibigyan mo rin naman pala, sinungitan mo pa." Natatawa na naiinis kong sabi. Ang galante naman nya.

"Tss. How I hate kids." Nakasimangot na sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya nun. "Bakit naman?" Tanong ko.

"I just hate kids." Bored na sabi nya. "Do I need a reason to hate them?" Tanong nya.

Nagkibit balikat ako. "Oo naman. imposible namang wala."

Tumingin lang sya ng diretso sa daan. "Well, I just hate them. They are annoying. Attention seeker. Nang-aagaw ng mga hindi naman sa kanila.. tss." Nagulat ako sa mga sinasabi nya na para bang may pinanghuhugutan sya.

I just shrugged all the questions in my head and look at him. "So ayaw mo din magkaroon ng kids ng sarili mo?" Tanong ko.

Parang nagulat sya sa tanong ko pero napatingin sya saakin na parang nagiisip. "Of course I want." Mahinang sabi nya. "Pero gusto ko isa lang."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Kasi naman, sa lahat ng lalaki, sya lang ang alam kong gusto ng isang anak. Halos karamihan kasi, ang alam ko gusto ng tatlo o dalawa. Yung iba nga lima pa para mas masaya. Pero sya.. bakit isa lang?

"Bakit naman isa lang, Kris?" Tanong ko sa kanya.

Sumandal sya at inilagay ang kamay nya sa sandalan ko. Hindi sya tumitingin saakin, sa harapan lang.

"Ayoko kasi ng may kaagaw. May naagawan, o nasasapawan."

Hindi ko sya naiintindihan, pero alam kong may rason kung bakit nya nasasabi yun. Kay Lyn ba? Imposible naman, kasi alam kong hindi nya kaiinggitan si Lyn. Isa pa, ang kadalasan lang naman nagkakaroon ng inggitan ay ang parehong magkapatid na babae, o di kaya ay parehong lalaki. Pero si Lyn lang naman ang kapatid nya.

Ang gusto nyang anak ay isa para maiwasan ang pagkakaroon ng inggitan at agawan, yun ba ang iniisip nya?

"Hindi naman ganun yun Kris eh." Sabi ko. "Of course, kailangan mong iparamdam sa kanila na pantay pantay sila." Paliwanag ko sa kanya.

Umiling sya. "There would always be a number 1, number two. There would always be a favorite one." Makahulugang sabi nya.

Tinignan ko lang sya. Sinusubukan kong intindihin kung bakit sya nagsasalita ng ganyan. Anong.. anong meron sayo Kris?  Bigla kong natanong ang sarili ko. Then I just realized.. hindi ko pa pala lubusang kilala ang lalaking ito, ang lalaking mahal ko.

"Tara?"

Natigil ako sa pag-iisip nang makitang nakatayo si Kris sa harapan ko. Tumayo na lang din ako, ewan ko ba't nawalan ako ng gana ngayon. Kanina lang sobrang excited ako sa date namin eh. Ngayon, parang may mali. Parang may mangyayaring mali.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon