"Ano kasi yung plano mong yun, Kris?" Tanong ko kay Kris habang nakahiga kami sa damuhan. Pangilang ulit ko na syang tinatanong, ayaw nyang sagutin.
"Will you quit it, Steph? That doesn't matter anymore since wala na rin naman akong balak na ituloy yun." Sabi nya na nakatingin lang sa itaas. Malapit na kasi ang sunset kaya naandito kami, naghihintay.
"Eh.. but still. Kailangan ko paring malaman." Tinignan ko sya. Tumingin din sya saakin. Then I felt this weird feeling again, tuwing nagkakalapit ang mukha namin.
I heard him sigh at tumingin muli sa itaas. "Sasabihin ko din sayo, pero hindi ngayon." Mahinang sabi nya.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko. Hindi ako gumalaw para kuhanin yun pabalik.. I love the feeling everytime he touches me.
"Kris.." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Napakarelax ng mukha nya. Ang malambot nyang buhok ay hinahangin at hindi nito tinatakpan ang kaperpektuhan ng mukha nya. Mukha syang devil sa unang tingin, pero kapag natitigan.. merong.. something. Something na mali, parang may pinagdadaanan.. parang nababalot ng lungkot.
"Am I that important to you para itigil mo ang sinabi mong.. plano?" Tanong ko. Hindi ko mapigilang itanong, I am curious. Kasi kung titignan, para matagal na syang nakapagplano.. na parang meron syang problema at pinagdadaanan.
Saglit syang natahimik at pinikit ang mata nya. "Steph, you are all that matters to me now." He said with a smile. A faint smile.
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Napangiti ako. Hindi ko pa naranasang maging masaya ng ganito. Ngayon lang. Ewan ko ba. Kakaiba kasi ang pakiramdam.
"Look, nagsisimula na." Masayang sabi ko habang nakatingin sa itaas. Umupo ako para makita ng maayos ang sunset.
Umupo din si Kris at tinabihan ako. Then he whispered. "I want to give you something."
Napatingin ako sa kanya at muntik nang magdampi ang labi namin. May kinuha sya sa bulsa nya. Isang kwintas.
"But first, I want you to remove that." Sabi nya habang tinitignan ang kwintas ko na galing kay Max.
Kumunot ang noo ko. "Pero kris--"
"Kahit na ngayon lang. Kapag bumalik tayo, you can just keep it, I won't mind kung hindi mo isusuot." He smiled sadly. Tapos umusog sya ng kaunti para tanggalin ang kwintas na ibinigay saakin ni Max.
Naramdaman kong may inilagay sya sa leeg ko, yung kwintas na hawak nya kanina.
Tinignan ko yun. Isang.. napakagandang necklace. White gold ito at ang pendant.. Isang.. "Ano to Kris?" Tanong ko. Hindi ko kasi masyadong maintindihan ang detalye ng pendant. Basta maganda lang talaga sya. Hindi malaki ang pendant, sakto lang. May kaliitin. Mukhang mamahalin.
Ngumiti sya. Hinawakan nya ang pendant at tinuro ang gitna nito. "That's me," Turo nya sa maliit na white gold na pinalibutan ng malilit pang bato. "And that is you." Turo naman nya sa maliit na wings sa magkabilang side.
Kumunot ang noo ko. "Bakit nasa gitna ka tapos naging wings ako?" Tanong ko.
He gave me another smile. "Kasi kung tatanggalin mo ang wings," Turo nya sa napakagandang wings na napapalibutan ng maliliit na diamonds na nakadikit sa dalawang gilid ng bilog na white gold. "It wouldn't be special anymore. It wouldn't look as much as beautiful as it is with the wings.. And it would look lifeless."
Tinitigan ko lang sya at nagbabanta ng tumulo ang luha ko. Is he comparing me to the wings of the necklace? That he would be lifeless without me? Am i that special?
![](https://img.wattpad.com/cover/6995291-288-k816741.jpg)