Buong araw akong lutang at hindi gaanong nakikinig sa mga kumakausap saakin sa room. Wala din ako sa wisyo para makipagkaibigan, I feel so much pain inside. Pakiramdam ko tumagos ang mga sinabi saakin ni Jhaeron.
"Class dismissed. You may go." Napatingin ako sa harapan. Tapos na pala ang klase. Mabilis kong inayos ang bag ko at lumabas na ng room.
Wala namang magandang nangyari ngayong araw, hindi ko na rin nakita si Jhaeron pagkatapos nang huling usapan namin kanina, hindi ko na din naman sya gustong makita. Nararamdaman ko na naiinis sya saakin, sa pananalita pa lang at kung paano nya ako husgahan. Hindi ko din naman sya masisisi.
Naglakad ako habang patingin tingin sa paligid, umaasa na makita pa si Max, pero siguro nga dapat ko syang bigyan muna ng space. At okay nga siguro tong nangyaring break up namin. Hindi ko alam kung magiging maayos pa kami kung malalaman nya na. Sasabihin ko na sa kanya, I'm ready. He deserves to know. Hahanap na lang ako ng tyempo pero sasabihin ko na sa kanya, ayoko nang tumagal pa.
Napabuntong hininga ako nang umabot ako sa gate nang hindi sya nakikita. Sumakay ako at umuwi na ng bahay.
Nang makababa ako, naabutan ko si manang na papalabas ng bahay.
"Manang Lucy, saan po kayo?" Tanong ko.
"May pinabibili lang si Sir Kris saakin, pinapasabi nya saakin na kung umuwi ka raw, dumiretso ka sa office nya."
Tumango na lang ako kay manang at umalis na rin sya. Tumaas na ako at pinuntahan sya. Naabutan ko syang nakaupo at nakapatong pa ang paa sa lamesa nya habang may pinaglalaruan syang isang.. kwintas?
"Ahhm, pinatawag mo daw ako?" Sabi ko agad at naglakad papalapit sa kanya, pagkatapos ay umupo ako sa maliit na sofa.
"May pasok ka bukas?" Tanong nya. Hindi nya pinansin ang sinabi ko.
"Oo. Bakit?"
"Maaga kang umuwi." Utos nya saakin.
Napaisip naman ako. Maaga ba akong makakauwi bukas? Hindi ko alam kasi.. birthday na ni Max. And I wanna talk to him. I want to give him my time kahit na ikagalit pa ni Kris.. o kahit na galit pa sya saakin, kakausapin ko sya.
"Mukhang hindi pwede eh, marami akong gagawin." Sabi ko na lang.
Mula sa pagkakatingin nya saakin ay lumipat ang tingin nya sa laptop nya na nakabukas. Hindi ko alam kung may tinignan sya doon or gusto nya lang iiwas ang tingin nya.
"Is that so?" Tinago nya sa bulsa nya yung hawak nya. "Okay."
Yung lang yun? Wala na ba syang ibang sasabihin? tinignan ko sya ng halos limang segundo pero hindi na ulit sya umimik.
"A-ah, sige aalis na ako." Sabi ko na lang at tumayo.
Hahawakan ko na sana ang door knob ng may sinabi sya.
"If you can.. umuwi ka ng mas maaga."
Humarap ulit ako sa kanya. Ano bang meron bukas at gusto nya akong pauwiin ng maaga?
"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko. Agad naman syang nag-iwas ng tingin saakin at umayos na umupo.
"Wala. You may go." Sabi lang nya. Hindi ko na lang inisip at umalis na lang.
Nakatulog ako nang wala si Kris sa tabi ko, paggising ko wala parin sya. Birthday ni Max ngayon. Kailangan ko syang makausap pero hindi ko pa ngayon sasabihin. Wala, gusto ko lang talaga sya makasama. This is his special day, September 12.
Naabutan ko si Kris na nanunuod ng tv sa sala. Nakapantalon sya at nakasuot ng blue shirt. Halatang bagong ligo lang din sya. Aano sya? Bumaba ako at kumain ng almusal. Hindi naman nya ako nililingon kahit na nakita nya na akong bumaba kanina. Sabagay, bakit naman nya ako papansinin? Hindi naman kami.. ganun ka close.
Hanggang sa matapos akong kumain ay nanunuod lang sya. Tumaas na ako at nailigo at nag-ayos dahil aalis na rin ako maya-maya.
Nang pababa ako ng hagdan, nandoon parin sya. Iniisip ko kung merong mangyayari ngayon kaya gusto nyang umuwi ako ng maaga pero ano naman kaya yun?
"Kris." Tawag ko para maagaw ang atensyon nya mula sa tv. Lumingon sya saakin. "Hindi kasi ako maagang makakauwi mamay--" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil pinutol nya na.
"Okay." Sabi lang nya at seryosong tumingin ulit sa pinapanuod.
Napabuntong hininga na lang ako. Ang sungit na naman nya, halata namang naiinis sya dahil hindi ako sumunod sa kanya. Bakit naman kasi ayaw nyang sabihin kung anong meron ngayon at pinapauwi nya ako ng maaga?
Mabagal akong umalis na umaasa na may sasabihin pa sya pero nakalabas na ako, wala naman akong narinig mula sa kanya.
Natapos na ang lahat ng klase ko at nasa labas ako ngayon, naghihintay. Nakaupo ako sa bench kung saan ko sila nakita dati ni Mariel, dito kasi madalas magdaan ang mga bumababang college students pero may mga nagdadaan ding highschool students.
Mga kalahating oras na rin akong naghihintay pero hindi naman ako nabo-bored dahil kinakabahan ako. Anong sasabihin ko sa kanya? Babatiin ko ba agad sya? Paano kung may kasama sya? Paano kung kasama nya si Mariel? Teka, hindi naman na dapat ako magselos dahil magkaibigan lang naman talaga sila.
Maya maya lang, nakita kong nagbabaan na ang ibang istudyanye. Pero wala naman si Max, tumingin ako sa orasan ko at 5:30 na.
Titingin sana ulit ako sa paligid nang may nakatayo sa harapan ko. Nakatingin lang sya saakin without any emotion at nakahawak sya sa bag nya na nakasabit sa isang balikat nya.
"Sino hinihintay mo..?" Tanong nya.
Napalunok ako. I don't know what to say ngayong nasa harapan ko na sya. Pakiramdam ko ibang tao sya o dahil lang ba sa tagal ng hindi namin paguusap at nagaway pa kami? I dont know.
"Max.. I ahm.. pw--" Biglang may sumigaw na babae sa may di kalayuan kaya naputol ang sinasabi ko.
"MAX! Sabi ko hinatayin mo ko eh!" Lumingon din si Max, pero tumingin din sya muli sakin.
Nang makalapit si Mariel saamin ngumiti sya saakin at nag "Hi!" Nginitian ko lang din sya kahit hindi ko parin matanggap na kaibigan sya ni Max. Feeling ko nai-insecure ako sa kanya. Sya ba ang laging kasama ni Max nung mga panahong hindi kami magkasama? At isipin ko palang, nasasaktan na ako. Hindi ko naman dapat maramdaman to dahil magkaibigan sila, pero bakit nasasaktan ako?
"Diba ililibre mo ako ngayon? Ang daya naman eh! nilibre kaya kita nung birthday ko!" Parang nagtatampong sabi nya. How can she be so insensitive? Nasa harap sya ng girlfriend-- i mean ex ng kaibigan nya!
"S-sige ah." Yun lang ang sinabi ko dahil ayoko nang marinig pa ang sasabihin ni Max.
Paano nya nagawang magplano na i-celebrate ang birthday nya kasama ang iba? Na kasama si Mariel at hindi ako?
Nage-expect ako na hahabulin ako ni Max o pipigilan man lang pero nakalabas na ako ng gate, wala man lang akong nakita ni anino nya. Natatakot akong lumingon dahil natatakot akong makita syang kasama si Mariel. Natatakot akong lumingon kasi baka wala sya sa likod ko. I hate this!
Naramdaman kong nagluluha na naman ako, pero bago pa man tumulo yun, pinunasan ko agad. He's going to celebrate his birthday with that Mariel! At ako? Ako na.. oh, naalala ko. Wala na nga pala kami, ako pa mismo ang nagpush sa kanya para maghiwalay kami and now, why am I acting like this?
Relax Steph.. This is actually better. Diba? At least hindi ko na kailangan sabihin sa kanya ang meron samin ni Kris.. at least hindi na sya masasaktan..
Fck!
Tumingala ako and I breathe for some air para mawala yung mabigat na nararamdaman ko. How can he do this? Ni hindi man lang nya ako hinabol. Ni hindi man lang nya ako pinigilan. Ni hindi man lang nya ako naalok-- na hindi rin naman ako sasama kung silang dalawa. I HATE THIS! He's killing me!
Natigil ako sa pagiyak nang maramdaman kong may yumakap saakin mula sa likod ko.
"I want to celebrate my Birthday with you.."