Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang sabihin kay Max, pero anong magagawa ko? Nagtatanong na sya. Mas magiging mabuti siguro kung sasabihin ko na.
Huminga ako ng malalim at naghanap ng salita. Kinakabahan ako. How am I suppose to start this?
"Max.. m-may kilala ka bang Kris.. Jimenez..?"
Muntik na akong mawala sa inuupuan ko kung hindi lang ako naka seat belt.
Nanghingi ng paumanhin 'yung babaeng may dala dalang baby sa labas, tumawid kasi sila agad-agad. Hindi naman na pinansin ni Max 'yun, tumingin sya sakin.
"Sino?" Tanong nya. Kunot ang noo nya at sumulyap saakin sandali.
"Ah--w-wala.."
Inipon ko na ang lahat ng lakas ko para matanong 'yon, tapos eto lang? I sighed. Parang hindi ko na yata kayang magtanong ulit. Hindi pa talaga. Ayoko muna, natatakot ako sa magiging reaksyon nya. I just wanna enjoy this dat with him.
"Malayo pa ba tayo, Kris?" Tanong ko at naghikab.
Naramdaman kong tumingin sya sakin kaya tumingin din ako.
"Kris.. sinong Kris, Steph?" Bahagyang tumigas ang mukha nya sa tanong nya. Nanlaki ang mata ko. Nabanggit ko ba ang pangalan ni Kris? Nakurot ko ang hita ko out of frustration.
"Ah! yung bidang lalaki sa bago kong binabasang book." Pagdadahilan ko. Gustong gusto ko ng sabunutan ang sarili ko! I lied again!
Hindi lang sya nagsalita. Tahimik lang syang nagdrive.
"We're here." Ngumiti sya sakin at bumaba, buti naman at hindi na sya galit sa'kin.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at pinalupot ko ang braso ko sa braso nya.
Pumasok kami sa isang mamahaling resto. Dumiretso kami sa bandang corner part, Ang alam ko ay nagpapa-reserve pa to eat here.
"Mom, dad." Tawag ni Max sa dalawang masayang naguusap. Bumati din ako nang tinignan nila ako.
"Oh! What a beautiful young lady, is she your girlfriend? Jonathan?"
Nangiti nalang ako, pinaupo ako ni Max sa harap ng mommy nya, sya naman ang katabi ko at kaharap nya si tito Lucio.
"Mom, she's Stephanie Mae Sanchez. My girl."
"It's a pleasure to finally meet you hija, Max told me good things about you." Tumawa sya na parang kinikilig. Tumawa pati si tito Lucio.
Pakiramdam ko namumula na ako ng sobra. Jeez.
"Mom! Will you let us order our food first?" Natatawang sabi ni Max. Nahihiya ba sya? Oh my! Ang cute nya!
"Ah yeah, I forgot, sorry about that baby."
"Don't call me baby in front of my baby, you're embarassing me." Sabi ni Max. Natawa na lang din ako sa itsura nya.
"Well, you're still my big baby."
Haha! Ang kulit lang ng mom nya.
Napatingin ako kay tita Cassandra. Yeah Cassandra is her name. Kasalukuyan syang pumilipi ng order nya.
Hindi sila magkamukha ni Max, nakuha ni Max halos ang mukha nya kay tito Lucio. Pero maganda si tita Cassandra. I doubt na 45 years old na sya. She looks so much younger!
After we ate, umalis na din sila tito and tita. May pupuntahan pa daw kasi sila and they left us. Mag enjoy na lang daw kami. Before they left madami pa kaming napagkwentuhan about things.. about kay Max.
"Saan tayo?" He asked. Nakapatong ang baba nya sa palad nya at nakatitig sya saakin.
Tinulak ko ang noo nya. "Bakit ba titig na titig ka sa'kin? Kanina ka pa ah." Biro ko sa kanya. Tska nako-concious na ako sa itsura ko, baka may kung ano na pala.