Lumabas kami ni Max ng club at umupo sa bakanteng upuan. Mas gusto ko dito sa labas, mahangin at mas tahimik.
"Anong ginagawa mo dito Steph?" Tanong nya habang inaamoy ang buhok ko. Nakaakbay sya saakin at nakasandal kami.
Oh how I miss this. Yung ganito lang kami. Yung masaya kami at walang problema. Yung pwede kaming magkita anytime we want. Yung kaya ko syang halikan na walang iniisip na kasalanan.
I sighed. Ano na ba ang nangyayari saamin?
"Sinamahan ko lang yung kaibigan ko." Tahimik na sabi ko at sumandal sa dibdib nya. "Ikaw?"
He ran his fingers through my hair. "I'm with my cousins."
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya habang nakaupo parin kami. Wala ng gaanong nagdadaan dahil anong oras na rin. Gusto kong sabihin lahat sa kanya. Gusto kong mabawasan na ang mga kasalanan ko. Matatanggap nya ba ako? Huh, who am I kidding? Who the hell would accept me?
Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya, I don't want him to see me.
"I wish we could stay forever like this.." Bulong ko.
"Why not?" He chuckled. "We will grow old together.." He said sweetly.
Tumahimik na lang ako. Bakit ba wala akong tiwala sa kanya? Matatanggap nya ba ako? Pero natatakot ako. Gusto kong malaman nya pero natatakot ako sa magiging reaksyon nya.
"I missed you so much.." Sabi nya. "Steph, sabihin mo sakin kung may problema ka. Let's see if I can help."
Iyan na naman. Pinapangunahan nya ako. Natatakot ako. Umiling lang ako habang nakabaon parin ang mukha ko sa dibdib nya. How can I? I dont wanna lose you.. can you wait a little longer until I know what to do about my situation?
"Stephanie.. alam ko meron." Naramdaman kong humigpit ang pagkakaakbay nya saakin, parang nilalapit nya ang katawan ko sa kanya. "Tell me.." Of course alam nya. Napakamanhid na lang siguro nya kung hindi nya pa mararamdaman, diba? Pero sana nga manhid ka na lang, Max.
Iling lang ulit ang sinagot ko sa kanya. Please, sana maintindihan mo muna ako Max.
I heard him sigh. "Fine then, kung ayaw mo muna talaga pagusapan 'yan, hahayaan ko na lang. But I want you to know, I'm willing to listen, okay?"
Napangiti na lang ako and realized how lucky I am to have a very understanding... boyfriend.
"Can we meet more often?" Tanong nya.
"I'll try.." This time susubukan ko na talaga. Gagawin ko na ang lahat makalusot lang kay Kris.
Sumandal ulit ako, sino kaya yung babaeng kasama ni Kris? Is she the Amanda girl? Are they going to do 'it' too? .. and why do I care?
Napakunot ang noo ko sa mga naiisip ko, bakit ko ba pinapakialaman 'yon?
"I'm going to have a dinner with my dad and mom tomorrow, I want you to come." He said.
Tinignan ko sya. "Really?" Tapos ngumiti ako, nakilala ko na kasi ang dad nya pero ang mom nya hindi pa. Lagi kasing nasasaktong nasa ibang bansa ang mom nya.
"Yes, susunduin kita ah?" He smiled and kissed the tip of my nose.
"Ahm, sige, pupunta ako." Yun lang ang sinabi ko, susunduin nya ako? Yan ang iniiwasan ko eh. Hatid sundo kasi ako ni Max tuwing nagkikta kami noon. He was so caring and so protective. Ngayon, paano nya ako ihahatid? Sa bahay nila Tessa?
"That's good to know." He intertwined our hands. "Papasok ka na nga pala sa College?" Tanong nya bigla.
"Well, maybe yes? Maybe.. mo.." I answered just to get it over with.