"Ang landi mo friend." Komento ni Leila saakin matapos kong i-kwento ang nangyari kahapon.
"Tss, bakit, paano?" Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi ka na lang kasi pumili sa kanilang dalawa? Imposible namang mahal mo yang dalawa na yan!" Sigaw nya saakin.
Naandito nga pala ako sa bahay ni Leila. Tumakas ako kay Kris since nahihiya akong makita sya ngayong araw matapos ang nangyari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala na sinabi nya yun.
"Kung hindi mo sana boyfriend itong si Max, kinilig na ako kanina pa! Kaso friend, nakakaawa sya eh! Walang kaalam alam yung tao! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya? Tutal naman, meron syang karapatan. Dapat sabihin mo na! At pumili ka dyan sa dalawa na yan! Kasi kahit na mahal mo sila pareho, meron at meron paring mas matimbang." Mahabang saad nya.
"Easy for you to say." Umirap ako sa kanya. "Tska isa pa, anong pinagsasasabi mong kailangan ko nang pumili? Baliw ka ba? Si Max ang boyfriend ko." I said matter of factly.
"Boyfriend mo nga sya, eh sinong mas mahal mo?" Nanunuksong tanong nya.
"Edi si Max! Ano ka ba! Wala naman akong gusto kay Kris." Sabi ko sabay irap.
"Wala daw. Ano ako tanga? Kanina ka pa nagke-kwento tungkol sa mga nangyayari sainyo ni Kris, and I observed na there is a spark!"
Napahalumbaba ako sa mga sinasabi nya. "Tss. Spark? Adik ka ba?"
"Sige nga! Kung nalaman mo bang birthday din ni Kris kahapon, sinong sasamahan mo sa kanilang dalawa?" Paghahamong tanong nya.
"Si Max!! Syempre." I'm positive. Although magi-guilty siguro ako habang nasa labas kami.
"Of course not! Nasabi mo lang 'yan kasi tapos na, pero I know kung maaga mo lang nalaman, mahihirapan ka ring pumili! Hay nako girl! Ang laki ng problema mo! Magbigti ka na!" Natatawang sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Yan ang tinatawag ng ganda-problems!" Tapos humalakhak sya. Baliw din tong isang to eh.
"Mahal ko si Max. Hanggang huli, sana kami parin. Sasabihin ko sa kanya yun, at sana.. matanggap nya pa." Sabi ko habang pinaglalaruan ang straw na hawak ko. Natahimik sandali si Leila.
"Hindi mo ba nakikita kung gaano ka na ka-selfish?" Tanong nya saakin. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya.
"Alam kong selfish ako, pero sasabihin ko din naman sa kanya eh." Malungkot na sabi ko.
"Sasabihin? kailan pa Steph? kapag huli na? Kapag sawa na si Max sa kakaiwas mo? Kapag si Max pa mismo ang maka alam? Ano ba? Magisip ka nga!" Naiinis na sabi nya.
"Ginagawa ko naman nang madali ang lahat eh. Sasabihin ko din pero naghahanap lang ako ng time." Sabi ko na lang.
"Kailan pa yung time na yan? Gosh! Kung kailangan ngang sabihin mo na ngayon eh! You have all day to tell him! Haay!" Umirap sya tska napa-palo pa sa unan na yakap nya.
"Madali kasi para sayo, kasi wala ka sa lugar ko." Sabi ko at pinahidan ang tumulong luha. Nakakainis naman.
"Ano? Nagbibiro ka ba?" Napahampas sya sa noo nya. "I'm telling this to you, kasi alam kong nahuhulog ka na din kay Kris! At ang pagsasabi ng maaga kay Max ay pagbabawas sa sakit na mararamdaman nya. Look, I know how you feel and kung gaano ka kagipit ngayon, but the easiest route is telling him.. I know you're thinking na makakaalis ka pa sa sitwasyon na to and nagba-baka sakli ka pa na mairescue yung feelings ni Max by not telling him yet unless wala na si Kris, but I don't think we're getting there soon, baka mauna pang malaman ni Max. And girl, that's disaster." She said concerned.
I sighed. "Wala ka bang ibang maipapayo?" Tanong ko sa kanya.
"Meron." Tapos umayos sya ng upo.