[3RD PERSON'S POV]
Pagpasok na pagpasok pa lamang ni Stephanie sa loob ng unit ni Max ay niyakap nya agad ang binata. Hindi nya mapigilang umiyak, hindi nya mapigilang masaktan sa sarili nyang desisyon. Tama ba ang gagawin nya?
"It's alright Stephanie, kailangan mo to, kailangan nyo to." Hinagod ni Max ang likod ni Steph.
"M-max.. ang sakit eh.. M-mahirap.." Humikbi sya. Alam nyang hindi dapat sya nagsasabi kay Max dahil si Kris na kapatid nito ang dahilan ng sakit nya ngayon.
Ngumiti lamang si Max kay Stephanie. Hindi na sila natulog, umupo silang dalawa sa sofa. Pinagtimpla ni Max ng gatas si Steph.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Max na nagaalala.
Ngumiti si Steph. "Ayos lang ako."
Alam ni Max na nagsisinungaling lang si Steph. Hindi ito okay, malayo sya sa salitang iyon.
"Stephanie.." Tawag nya rito para maagaw ang pansin nitong nakatitig sa kawalan. "hindi ako magpaparaya para masaktan ko lang ulit, naiintindihan mo?" Biglang sabi ni Max na ikinagulat ni Steph.
"A-ano?" Naguguluhang tanong ni Steph.
"Steph, mahal kita-- Mahal na mahal." Nagbuga si Max ng hangin. "Pero anong ipaglalaban ko? Mahal mo sya, mahal ka nya." Napatingin ang binata sa ibang direksyon, nasasaktan. "Magpaparaya na ako.. hindi lang dahil sa hindi na ako ang gusto mo, kundi dahil sa tingin ko ito rin ang tama."
Tumulo na naman ang luha ng dalaga sa sinabi ng binata. Hindi nya talaga maiwasang hindi humanga sa kanya. Napakabuti nyang tao.
"Max.." Sabi nya na hindi makapaniwala. Ang totoo ay hindi naman na talaga nya gustong mahalin sya ni Max, gusto nya na itong lumigaya sa iba dahil alam nyang hindi nya na kayang magmahal pa ng.. iba. Pero nang marining nya ang sinabi ng binata ay nagulat sya. Handa itong magsakripisyo para kay Kris.
"Sakin ka naman talaga eh.." Umiyak na ang binata sa sarili nyang sinasabi. Kahit sa sarili nya ay hindi sya makapaniwalang sinasabi nya ito sa dalaga, na alam nyang kahit kailan ay hinding hindi nya nagawang sabihin. Hindi nya kayang mawala si Stephanie sa kanya, ikababaliw nya. Pero mas masakit siguro kung aasa sya, nang wala naman dapat asahan. "..Pero hindi na ngayon."
Lumunok ang dalaga para hindi marinig ang hikbing pinipigilan, kumikirot ang puso nya. Sinasaktan nya si Max, umiiyak si Max ng dahil sa kanya. Gusto nyang yakapin si Max, pero nahihiya sya sa sarili nya.
"And I don't want to steal you from him, I don't want him to lose the most important person for him.. Kahit na.. sobrang.. sobra-sobrang masakit."
Hindi na napigilan ng dalaga ang umiyak. Bakit ba sobrang bait ni Max? Bakit kailangan pang maging mabait ni Max? Bakit hindi na lang ito magalit sa kanya tutal meron din syang kasalanan?
Lumapit si Max kay Stephanie at niyakap ito na parang hindi na sila magkikita pa. Sobrang higpit na parang hindi na sya papakawalan.
"Stephanie.. bakit ba mahal na mahal kita?" Tanong ng binata. Lalong umiyak si Steph. "Bakit ba mahal na mahal parin kita kahit na sobrang sakit na?"
"Max.." Nanginginig na tawag ni Steph kay Max. "Max.. I'm so.. I'm so sorry. H-hindi ko naman sinasadya-- Mahalaga ka sakin.. I'm really really sorry." Wala nang pakialam ang dalaga kung ano na ang tono ng boses nya, basta ang alam nya, nasasaktan sya.
"Mahal ka nya, Steph." Bulong saakin ni Max. Naramdaman din nya na nanginginig na ang binata. "Sobrang mahal ka nya."
Hindi lamang umimik si Steph. Namumugto na rin ang mga mata nya sa dami ng nilabas na luha.