Tinignan ko si Kris. Malungkot sya, mukha syang pagod at hindi nagkakaroon ng sapat na pahinga. Gusto ko syang lapitan at hawakan ang mukha nya. Gusto ko syang yakapin at halikan. Namimiss ko na sya.
Pero bakit ganun? Nasasaktan pa rin ako eh. Hindi parin mawala sa isip ko na ginamit nya ako. Alam kong mahal nya ako, oo. Pero hindi iyon sapat para manatili ako. Sa tuwing makikita ko sya, nakikita ko ang sakit, pagsisisi at si Max. Si Max na patuloy na nasasaktan. Si Max na patuloy paring nagmamahal pero wala namang nakukuha pabalik. Kasalanan ko.
Pinigilan ko ang paa ko, gusto kong lapitan si Kris! Pero hindi dapat, hindi muna. Pinikit ko ang mata ko at umiling sa kanya.. saka tumalikod. Hindi na ako makapagsalita. At natatakot ako na baka pag ginawa ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko at yakapin sya.
"Steph.. please naman oh." Nanginginig na ang boses nya nang tawagin nya ako.
Malapit na. Kaunting hakbang na lang, papasok na ako. Gagawin ko ba talaga?
"Steph! Please don't do this. Please.. ikamamatay ko.." He whispered. Patuloy parin nya akong sinusundan.
"H'wag mo na akong sundan Kris, just let me go." Madiin na sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya.
"No! I will never let you!" Mariinng sabi nya pabalik at hinigit ako sa braso, napaharap ako sa kanya at sinalubong ang mahigpit nyang yakap. Nanginginig sya. "I can't Steph.. please.." Bulong nya habang nakabaon ang mukha nya sa leeg ko.
"Kris ano ba." Sabi ko at tinutulak sya pero ayaw nya talaga akong bitawan. "Ano ba Kris!" This time malakas na ang pagtulak ko sa kanya.
"Stephanie.. stay please." Nanginginig na ang boses nya, at ngayon, alam kong umiiyak na sya. "I will do everything! just stay! Stay with me please." Lalo nyang hinigpititan ang yakap. "I-i can change.. Just stay, don't leave me, please.."
Napaka-desidido at desperado ng boses nya. Para syang takot na takot na maiwan, na masaktan.. na hindi na mabalikan.
"Kris ano ba.. we need time." Mahinahong sabi ko.
"Time? I will give you that! Pero h'wag ka namang umalis ng bansa.." Mahinang sabi nya.
"Tsk." Napamura ako sa isip ko. "Mahuhuli na ako Kris, let me go." Malamig na sabi ko.
Naramdaman kong umiling sya. "No!" Mariing sabi nya.
"Ano ba! Kris, let me go, i said!" Mahinang sigaw ko sa kanya.
Nagdatingan ang mga kaibigan nya pati na rin si Max.
"Dude, hayaan mo muna sya." Sabi ni Ethan at hinawakan sa balikat si Kris pero tinabig iyon ni Kris,
"F*ck off." Inis na sabi ni Kris, ayaw parin nyang tanggalin ang pagkakayakap.
"I need to go.." Tumingin ako kila King na nanghihingi ng tulong. Alam kong hindi ako pakakawalan ni Kris.
Tumango lang si King at Ethan na parang naiintindihan nila ang sitwasyon. Nilapitan nila si Kris at hinawakan.
"Kris, she need to go." Sabi ni King at sapilitang hinawakan si Kris ganun din si Ethan. Si Max at Stanley naman ay nakatingin lang.
"Get your hands off me! Sh*t!! Let me go!" Sigaw ni Kris sa kanila. Nawala na ang mahigpit na pagkakayakap ni Kris saakin.
Tinignan ko sya. Galit na galit sya sa mga kaibigan nya. Gustong gusto nyang makaalis sa hawak nila.
"Kris, let her fix herself first." Sabi ni Max at hinarap si Kris.
"I can fix her! I will! let me go, King! Tangina!!" Sigaw ni Kris at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nila King at Ethan sa kanya.