Nanigas ang katawan ko. Pinakiramdaman ko ang yakap nya, at iyon parin ang yakap na hinahanap hanap ko.
Napangiti ako, haharap sana ako sa kanya pero pinigilan nya ako. Hinigpitan nyang lalo ang yakap at siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. Good thing na nasa tagong lugar kami, kundi pinagtinginan na kami nito.
"Steph.." I could feel his sadness nang banggitin ang pangalan ko. I remained silent. "I'm so sorry."
"Max, you don't have to say sorry." Singit ko. Wala naman kasi syang kasalanan.
"No, I'm sorry for not understanding you. Alam kong may problema ka bukod pa sa step mom mo. Hindi dapat ako nakipagbreak ng ganun ganun lang.. It's just that.." He sighed first and continue. "Nahihirapan lang ako." Napapikit ako nang sabihin nya yun. I know Max, alam kong nahihirapan ka rin.
"I'm sorry, sasabihin ko din naman sayo eh.." I tried to stop my sobs.
"Shh.. let's not talk about it okay? I want to be with you today, walang kahit na ano muna." He said as he kissed my cheek. Humarap ako sa kanya. He wiped away my tears and kissed me on my eyes.
"Ikaw kasi eh!" Nakapout kong sabi pagharap ko at hinampas sya ng mahina sa balikat, tumawa lang sya at ginulo ang buhok ko.
"Kaibigan ko lang si Mariel, Steph. Ilang ulit ko bang uulitin?" Nakangiting sabi nya na parang tuwang tuwa na nakikita akong nagseselos.
"Tss! Kaibigan! Eh bakit pala sya lang ang kasama mo ngayong birthday mo? How about your guy friends?" Nakasimangot na tanong ko. Nagtatampo lang ako sa kanya ngayon, pero hindi ko na siya pinagdududahan.
"Balak ko naman talagang hanapin ka, hindi pala kita kayang tiisin." He shrugged. "Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Mariel, I already told her na ikaw ang kasama ko today." He smiled at me.
Ewan ko ba. May tiwala ako kay Max, pero wala sa Mariel na yun.
Naglakad kami habang magkahawak ang kamay. Madilim dilim na rin since it's already 5:40 pm.
"See? Hindi mo rin naman ako kayang tiisin eh! kunwari ka pang makikipagbreak! Tss!" Sabi ko habang nakangiting nangloloko.
"Really? Eh sino palang hinihintay mo kanina? Hindi ba ako yon? Kasi gusto mo akong makasama?" Tapos tumawa sya. Nakakamiss pakinggan ang tawa nya.
"Baliw! Buti alam mo." Kinurot nya ang pisngi ko at hinalikan ako. Pagkatapos inakbayan nya ako ng mahigpit na lapit na lapit na kami sa isa't isa. I miss this. "Happy birthday! 21 ka na! Ang tanda mo na!" At niyakap ko sya ng mahigpit. Sinuklian nya naman yun ng mas mahigpit na yakap.
"Saan tayo?" Tanong ko.
Ngiti lang ang sinagot nya at pumunta na kami sa sasakyan nya.
Nang makapasok kami sa sasakyan, nagsimula na kaming magkulitan. Hindi namin inintindi ang mga nangyari o ang mga problema. Hindi ko na rin muna inisip, dahil baka mabaliw na ako. Mas gusto kong mag-enjoy muna ngayon at walang isipin na kahit na ano.
Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan nya ako ng pinto at sabay kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kami, may nag-assist saamin kung saan kami pupunta.
"Bakit dito pa Max?" Tanong ko.
Tuwing birthday kasi ni Max, never nya akong dinala sa mamahaling resto. Ang gusto nya kasi, palagi sa isang park, tabing dagat o kahit saan na libre kaming gumalaw, yung simple pero masaya.
Ngumiti lang sya saakin bago hawakan ang kamay ko. "I miss you.." Malambing nyang sabi. "I really do."
Napaiwas ako ng tingin. Damang dama ko talaga na nagkukulang ako sa kanya. I promise Max, malalaman mo rin. Ayoko namang i-open ngayon dahil ayong masira ang araw nya.