"Mas gusto kong ikaw ang maging lunch ko." Pilyong bulong saakin ni Kris habang nakakbay pa sya saakin.Pababa na kami ng hagdan. Gusto talaga nyang palaging dikit lagi ang katawan namin.
"Kris!" Tsk. Nakakainis sya, alam kong hindi naman dapat ako mahiya sa kanya pero bakit parang nahihiya ako? Ugh.
Tumawa lang sya at inamoy amoy ang buhok ko. "You smell so good."
Nakakailang. Ang hilig nyang dumikit! Nakita ko syang nakangiti, pero ngiting demonyo parin iyon. Hindi na yata iyon mawawala sa ngiti nya.
Nang marating namin ang dining room, nakita ko si manang. Ngiting ngiti syang pumasok sa loob ng kwarto nya.
Si manang talaga oh..
"Let's eat." Umupo na sya sa upuan, ako naman ay sumunod lang sa kanya. Magkatapat kaming kumain.
Tahimik. Sobrang tahimik. Kinuha nya ang kanin at naglagay sa plato nya. Tss. Hindi man lang ako inalok. Napaka insensitive na lalaki.
Kumuha na din sya ng ulam at naglagay sa plato nya.
Kinakabahan na kumuha ako. Paano na lang kung hindi nya magustuhan? Hala.
Tinaas nya ang kanan kamay para isubo na ang pagkain mula sa kutsara. Bakit parang slow motion para sakin?
Nang maisubo nya na ang pagkain, ngumuya sya at tumingin saakin. Nakatitig lang sya.
"A-ayos lang ba?" Bulol na tanong ko. Tsk! Ang hirap nya talagang basahin! Ni hindi ko nga alam kung nagustuhan nya ba o hindi. Normal lang kasi ang pinapakita nya saaking reaksyon.
"Stupid question." He said, then continued eating.
Stupid question?! Ano namang stupid dun? Kinalma ko ang sarili ko. Naiinis na naman ako.
"Masarap ba?" Pagulit ko. Ha! Mainis ka sa mga tanong ko!
Tinignan nya ulit ako at nagikbit balikat naman. "Pwede na.." Seryosong sagot nya.
Pakiramdam ko napunta ang lahat ng dugo ko sa mukha! Pwede na?!
"Ah. Buti naman pala kaya mo pang pagtyagaan." Matigas kong sabi. Nakakapikon sya! Kung pwede lang umusok ang tenga ko, baka nagmistulang tren na ako dito.
"Yeah." He said smirking. Nakakainis na talaga sya.
Walang araw na hindi ako nainis sa kanya! Kainis sya! Paano na lang sa mga susunod pang araw!?
"I'm done." Hindi ko pinahalata ang inis ko. Hindi dapat nya malaman na apektado ako sa pangiinis nya.
Ako pa?! Hindi marunong magluto ng Kare kare?! Hindi pa ako nangangalahati pero gusto ko na syang iwan dito sa magarang lamesa. Kung hindi ay baka naibato ko sa mukha nya ang laman ng plato ko.
"What? pftt-- Haha! Don't tell me naiinis ka?" Natatawa nyang tanong, may ngiting demonyo sa labi.
"No." Maikli kong sagot.
"Then what?" Oh that stupid devilish smile, again.
"I just.. fck, I can't do this anymore."
DROP THAT PLAN!! I can't do it! Pumasok ako sa kwarto at padabog na humiga sa kama.
3RS PERSON'S POV
"I just.. fck, I can't do this anymore."
Limang minuto na ang nakalipas ng iwan sya ni Stephanie sa dining room.