"Pre ako na." Sabi ni Phoenix na kanina pa sya pinapanuod. Mukhang si Phoenix yung nahihirapan sa kanya.
"Ako na!" Sigaw nya at pilit na inabot yung sanga. Kaso nung mahawakan nya yun, binitawan nya din agad na para syang napaso. "SHT! WHAT THE FCK?!" Sigaw nya at nagmamadaling tumalon pababa. Nagulat pa nga ako kasi napakataas ng pinagbagsakan nya, mabuti na lang at mukhang hindi sya nasaktan. Sanay ata sa talunan.
"K-Kris! Okay ka lang ba?" Tanong ko habang pinapanuod syang pagpagan ang damit nya na napupuno ng mga langgam. OMG! Ang daming langgam! At si Kris.. namumula sya at madaming pantal!
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Phoenix. Kahit ako, natatawa pero sa lagay nya, mukhang naawa ako. Ang dai nyang kagat ng langgam.. and to think na ako pa ang dahilan..
Maya maya lang ay naalis nya na ang lahat ng langgam, pati braso nya may kagat. Nakagat ko ang ibabang labi ko, naaawa ako sa kanya. Sa maputi nyang balat.
Inis na nilapitan nya ako at pinatignan ang likod nya kung meron, then I check it. Wala naman na. Mukhang natakot ata yung mga langgam sa kanya.
"Umupo ka na nga lang dito," Utos ko sa kanya at tinap yung bakanteng space sa tabi ko.
"Tsk!" Maktol nya at kinakamot parin yung mga pantal nya. "Mamaya na, ikukuha pa kita." Sabi nya at tinitigan ng masama yung puno.
"Ahhmm.. wag na? Parang ayaw ko na pala." Sabi ko na lang. Mukha kasing uulit pa sya sa pag-akyat. Baka mamaya nyan, hindi na langgam ang kumagat sa kanya, karag na.
Tinignan nya lang ako at nakipaglabanan ng titig. Parang tinitignan nya kung ayaw ko na ba talaga. Ako na ang sumuko sa titigan, mukhang hindi sya magpapatalo.
Hinila ko ang kamay nya pinaupo sya sa tabi ko. Umupo sya doon at tinabihan lang ako.
"Masakit pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa napakarami nyang pantal. Tsk! Naman kasi..
Nakita kong umakyat si Phoenix ng puno, pinili nyang akyatin ang medyo maliit na puno. Eto kasing si Kris yung mataas pa daw ang inakyat eh.
Ang gwapo ni Phoenix, pero hindi naman kasing gwapo ni Kris. Oh baka saakin lang?
Pinanuod ko syang kuhanin ang mga mangga. Ang galing nyang manguha. Ang sexy.. pero mas sexy parin ang nasa tabi ko.. kahit na namumula na ang balat. HAHAHA!
"Psh, pasikat." Bumubulong na sabi ni Kris.
Tinignan ko lang sya ng manawa nawa. Sya nga ang pasikat kasi yung mas mataas pa ang inakyat nya.. tapos hindi naman pala marunong. Hindi ko na lang pinansin at baka mapikon pa. Mahirap na.
Lumapit saamin si Phoenix. "Oh." Binigay nya saakin ang mga manggang kinuha nya.
Kukuhanin ko sana kaso may tumabig ng kamay ko. Tinabig din ni Kris ang kamay ni Phoenix. "Ibigay mo kila King." Naiinis na sabi ni Kris. "Ikukuha ko si Steph mamaya." Seryosong sabi nya na may bakas ng inis.
Natawa na lang si Phoenix. "Hindi, eto na." Tapos nilapag ni Phoenix ang mga mangga sa tabi ko. "Nagkukuhanan na din sila." Sabi nito na nakangisi parin. Alam kong pansin nya na ang inaakto ni Kris. Sino bang hindi makakahalata? At nanunudyo pa sya ah.
I just smiled wryly at him.
"Kita na lang tayo maya, Steph, ikukuha pa kita ng mas maraming mangga." Sabi nito na halatang iniinis si Kris at kumindat. Nakita ko namang nanlaki sa inis ang mata ni Kris.
Tumalikod na si Phoenix at umalis.
Nakita kong hindi maipinta ang mukha ni Kris. Hala, nagseselos. sya. Nagseselos sya!