[STEPHANIE'S POV]
"KRIS!" Sigaw ko sa kanya. Iniinis na naman nya ako. Paano kasi, ayaw akong tigilan. Kanina pa nya kinikiliti ang paa ko. Nakakaasar!
"I love you!" Hinalikan nya ang labi ko. Napangisi na lang ako. Hinalikan ko rin sya. "Steph.. gusto ko na ng baby.." Bulong nya na naglalambing.
Napatingin naman ako sa kanya. Ayoko talaga na pinaguusapan ang pagbubuntis, dahil hindi ko pa sya mabigyan. 1 year na kaming kasal, pero hindi parin ako buntis. May problema kaya? Posible naman. Kasi sabi saakin ni Tita Mannylyn, sobrang nagtagal daw bago ako ipinagbuntis ni mama at papa. Unlike naman kay Kris, yung mama ang papa nya ay tig-dalawa pa ang anak.
"Pacheck up na kayo tayo?" Tanong ko.
Sumuksik ang ulo nya sa leeg ko. "Hmm.. kailan?" Tanong nya. Jeez, nakikiliti ako sa kanya.
"Bukas?" Tanong ko.
Ngumisi sya saakin. "Sige.." Bulong nya at kumislap ang mata nya. "Pero itry ulit natin ngayon." Sabi nya na merong ngiting aso sa labi.
Umiling ako at napaatras. Pagod ako ngayon, paano naman kasi, kanina na lang naka dalawang beses kami. "Hindi pwede kris-- AHH!" Nagulat ako ng bigla nya akong binuhat. Parang akong isang sakong bigas na walang bigat.
Nang marating namin ang kwarto ay inilapag nya ako ng dahan dahan sa kama, pagkatapos ay sinumulan nya na akong halikan.
+++
Pagkatapos ng check up, ay magkaharap kami ng Kris, kinukulit nya ako ng kung ano-ano. Halatang inaaliw nya ako para hindi ako kabahan sa resulta.
Ngiting ngiting bumalik ang nagcheck up saakin. Kinakabahan ako, ako kaya ang may problema?
"Are you ready to hear the good news?" Tanong nya.
Kumunot naman ang noo ko. Good? Ibig bang sabihin nun, walang mali? So.. hindi lang talaga namin siguro time para magkaanak? Hindi naman sa gusto ko na agad magkaanak, etong asawa ko lang talaga ang nagpupumilit agad.
"You're pregnant, Mrs. Jimenez, congratulations. You're two weeks pregnant."
Nanlaki ang mata ko, at naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Kris sa kamay ko.
"A-are you sure, doc?" Gulat na tanong ni Kris pero kitang kita na masayang masaya sya.
Nakangiting tumango ang doctor.
Tumingin ako kay Kris ng maiyak iyak. Ngumiti sya saakin ng sobrang masaya, kitang kita ko ang pagkagalak sa mukha nya. Ki-nonggratulate ulit kami ng doctor, at nagpaalam na aalis muna sya saglit.