Stephanie, The Devil's Slave

170K 3.1K 533
                                    

Stephanie, The Devil's Slave [FINALE]

Binuksan ng dalaga ang mata nya at napangiti na lamang habang pinapanuod nyang matulog ang lalaking mahal nya, ang buhay nya, ang lakas nya.. at ang asawa nya.

Mula sa maganda nitong kilay ay bumaba ang tingin nya sa matangos nitong ilong. Perpekto ang ilong nito ganun rin ang mapupulang labi. Natatandaan ni Stephanie kung gaano kalambot ang labi na iyon, hinding hindi nya iyon pagsasawaan. Bumaba naman ang tingin nya sa hubad nitong katawan na natatakpan lang ng makapal na kumot. Agad na naginit ang magkabilang pisngi nya nang matandaan ang nangyari sa kanila kagabi ni Kris.

Hindi iyon ang unang beses nilang gawin ang bagay na yun, pero iba talaga ngayon. Kasal na sila, at mahal na mahal na nila ang isa't isa. Naalala nya kung gaano sya kamahal ni Kris, kung gaano sya nito nirerespeto. Simula kasi noong magkabalikan sila, pinangako na sa kanya ni Kris na rerespetuhin sya nito, at maghihintay na ito hanggang sa magpakasal sila.

Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Stephanie, napakasaya nya. Napakaswerte nya, pakiramdam nya ay maiiyak na naman sya. Tatlong buwan na simula nang ayain syang pakasalan ni Kris sa harap ng maraming tao, at noong isang araw lang ay kinasal sila. Nagpunta sila ngayon sa Singapore para sa honeymoon nila.

"You're staring." Puna ni Kris pagkabukas ng mata.

"Why? Can't I stare at my husband?" Tanong nya at ngumiti.

"Of course you can, Mrs. Stephanie Mae Jimenez."

Then their lips met.

MEANWHILE in Philippines.

Malakas na hangin ang tumama sa mukha ni Max habang naglalakad sa gilid ng Beach. Natanaw nya ang babaeng naglalakad mula sa malayo.

Si Mariel.

Nilapitan nya ito at nginitian, She is Mariel. She is only Mariel to him.

"Max.." Tawag nito sa kanya.

"Oh, Mariel?" Kaswal na bati nya rito. Ilang taon na rin ba? pero hindi parin sya sinusukuan ni Mariel. Ayaw nya kasi itong paasahin.. dahil alam nyang wala naman talaga silang pagasa.

Napagdesisyunan ng dalawa na tumungo sa malapit na kubo. Kahit papaano naman ay naging magkaibigan parin sila, hindi nga lang kagaya noong bago aminin ni Mariel kay Max ang nararamdaman nya.

"So.. kamusta ka naman?" Malungkot pero nakangiting tanong ni Mariel.

"What do you mean?" Natatawang sabi ni Max. "I'm alright." Sabi lang nya dahil alam naman nya ang ibig sabihin ni Mariel doon. Kung okay lang ba sya dahil katatapos lang ng kasal ng taong mahal nya.. at ng kapatid nya.

"Max.. tell me, alam kong nasasaktan ka. And I'm here! makakatulong ba ak--" Hindi naipagpatuloy ni Mariel ang sasabihin dahil pinutol na agad iyon ni Max.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon