"Tara na." Inalalayan ni Max si Stephanie sa paglalakad.
"Max.. kaya ko naman eh." Tipid na sabi ni Steph bago tanggalin ang pagkakahawak sa kanya ni Max. Bakit pakiramdam ng dalaga ay sya ang kinakaawaan ng binata?
Bumuntong hininga na lamang si Max. "Lets go."
Napahinto sandali si Steph dahil may naisip sya. Saan sya tutuloy? Meron pa ba syang tutuluyan?
Lumingon sa kanya si Max at kinunutan sya ng noo dahil nakahinto parin sya.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ni Steph. Meron pa ba syang pupuntahan? Kay Kris? Napakaimposible naman. Nangyari na nga ang lahat lahat, sya parin ang naiisip nya.
"Ihahatid na kita kay tita Tessa." Sabi ni Max at nilapitan ulit sya para sabay silang maglakad.
Napabuntong hininga ni Steph. Marami pang hindi nalalaman si Max. Marami pa syang dapat ipaliwanag sa kanya. Madami pang.. hindi naiitindihan si Max sa ngayon. Kasi naman.. madami na ang nagbago. Sobrang rami na.
"Max.. I'm not living with her.." Sabi ni Steph at tumingin ng diretso sa dinadaanan nila. Hanggang ngayon ay malinaw parin sa kanya ang mga sinabi ni Kris. Lahat ng masasakit na salita.
"Kelan pa..?" Medyo nagulat na tanong ni Max.
It took her awhile para makasagot sa tanong ni Max. "Matagal na.. simula nang.. ipagbili ako ni Tessa kay Kris." Sabi nya at pinilit na ilunok ang hikbing nagbabadyang lumabas sa bibig nya.
Hindi nagsalita si Max. Sa totoo lang, sobrang masakit ang mga nangyayari. Sobra syang nasasaktan. Iniisip nya palang na may ibang nakahawak kay Steph ay sobrang nasasaktan na sya. Pero pinilit nyang intindihin si Steph, ginamit ito ng kapatid nya.. at dahil iyon sa kanya.
Nang marating ng dalawa ang sasakyan ay huminto si Steph at umupo sa gilid. Isinandal nya ang likod nya sa katawan ng sasakyan. Wala na masyadong nakapark na sasakyan, kung meron man, layo-layo na dahil sa anong oras na din.
Nakatingin lang si Max sa babaeng mahal nya. Alam nyang may mali, alam nya na may mali sa inaakto ng dalaga.. at pilit nyang tinatanggal sa isip nya kung ano yun.
Tinabihan nya si Stephanie. Isinandal din nya ang likod sa sasakyan at ipinatong ang siko sa magkabilang tuhod na nakataas.
Matagal silang tahimik. Si Max ay paminsan minsang sumusulyap kay Steph na nakatitig sa kawalan.
Hindi na napigilan ni Max na hawakan ang kamay ni Stephanie na syang ikinagulat ng dalaga. Tumingin si Steph sa kamay nila na parang may mali. Mali ba ang hawakan ang kamay nya ng nobyo nya?
Hindi na lamang inalis ni Stephanie ang kamay ni Max sa kanya kahit na pakiramdam nya ay hindi tama. Hindi din sya komportable na nasa tabi sya ng nobyo. Sobrang dami na nga talaga ang nagbago sa sandaling panahaon, naisip ni Steph.
"Why.. ? Bakit hindi mo agad sinabi saakin Steph.." Malungkot na tanong ni Max saka muling tumingin na lamang sa taas. Sa madilim na kalangitan. Mas makabubuting hindi sila magkatinginan, para hindi sila masaktan sa mga tingin nila sa isat isa.. sa lungkot na parehong nakabaon sa mga mata nila.
Napayuko si Steph. Tuluyan nang bumuhos ang luha nya. Hindi nya alam kung bakit sya naiiyak. Siguro kasi, naiisip nya na, bakit pa nya pinaabot sa ganito eh maiintindihan naman pala sya ni Max? Bakit hindi nya naisip noon pa na kaya syang tanggapin? Bakit ngayon pang huli na?
"N-natatakot ako.. I thought.. hindi mo ako matatanggap." Mahinang iyak ng dalaga ang tanging narinig kasunod.
They stay quiet. Siguro ay hindi rin nila pareho malaman ang sasabihin. Walang ibang maramdaman si Steph sa katabi nya ngayon, kundi awa. Naiinis sya dahil iyon lang ang nararamdaman nya. Nasaan ang nararamdaman nya noon para kay Max? Pinilit nya hinanap sa kasuloksulukan ng isip at katawan iyon pero nabigo sya.. Wala na talaga syang nararamdamang espesyal para kay Max. Oo, mahalaga sa kanya ang katabi, pero hindi na katulad ng dati.