Mabilis akong naligo at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng jeans at simpleng white shirt.
Dinala ni Kris and lahat ng mga naiwang bags ni Lyn. Limang bag to at iba iba ang mga pangalan. Yung tatlo, kabibili lang namin nung sinamahan ko syang bumili. Yung dalawa naman hindi pa nakatanggal sa lalagyan, kabibili lang din.
Ginamit ko ang kulay pulang bag. Nakita ko pa yung price dahil nga hindi pa nagagamit. Tss, bakit bumibili sila ng bag na ganito kamahal? Seriously? At hindi nya naman din dinala. Okay lang ba talagang gamitin ko to?
Bumaba ako dahil ihahatid daw ako ni Kris, ang totoo nyan, may lakad daw sya ngayon at madadaanan naman daw nya ang university na papasukan ko.
"Tsk! Ano bang ginawa mo at sobrang tagal mo?" Naiiritang tanong nya habang pababa palang ako ng hagdan.
"Nag-ayos ako." Sagot ko na lang. Hindi ko na din napapansin ang kasungitan nya, siguro nasanay na din ako sakanya.
Sumakay kami ng sasakyan nya at tahimik syang nagmaneho.
Nakita kong pumasok kami sa malaki at eleganteng kulay berde na gate, isa sa mga school na pinangarap kong pasukan.. isa sa mga pinakamayaman at pinakasikat na school. At.. ang school kung saan pumapasok si Max..
"D-dito ako mag-aaral?" Hindi maka-paniwalang tanong ko kay Kris.
"May iba pa ba?"
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang ganda talaga dito. Ang huli kong punta dito ay noong pinuntahan ko si Max. You can only study here if you're really rich or really brainy.
"Kris, bakit pinasok mo pa ang sasakyan?" Tanong ko. Pwede naman kasi nya ako ibaba sa gate nalang.
"Pupuntahan ko lang si Ethan sa office," Seryosong sabi nya habang naghahanap ng bakanteng slot. Ang laki ng school na to, Kahit na mismong parking area, sobrang laki.
"Oh.. does Ethan work here?" Tanong ko.
"Nah. May inayos lang sya dito, since ginawan nya ako ng favor. His family own this school."
Nang mai-park nya ang sasakyan, bumaba na kami pareho. Nag-alangan pa ako na magpaalam sa kanya, eh tuloy tuloy din naman palang umalis. How nice.
Nakita ko sya papunta sa kaliwang side, ako naman lumiko sa kanan. Pero teka-- saan nga ba ako nito? Huminto ako at tinawag si Kris, hindi pa naman sya masyadong malayo.
"Kris!" Lumingon sa akin si Kris na may bored look. ngayon ko lang napansin ang suot nya. Nakasuot sya ng pants, at puting longsleeve na nakatupi hanggang siko nya. He's... breathtakingly beautiful.
"A-ano.." Nagsalita na ako bago nya pa mapansin na sobrang na-attract na ako sa kanya. Lumapit ako. Nakita ko naman ang mukha nyang medyo namumula na dahil sa init ng sikat ng araw. Jeez! Idagdag pa ang sunnies! Bakit ang perpekto nya?!
"Ano?"
"P-pwede mo bang ituro kung saang building ako? Tska saang room ba to?" Tanong ko tska pinakita sa kanya ang schedule ko.
Napa-tsk sya, tska kinuha saakin ang papel. Tinitignan ko lang sya habang tinanggal nya ang shades nya, na ipinapakita ang kagandahan ng mga mata nya. Ang mahahabang pilikmata.
"Tara." Maikling sabi nya at naunang maglakad sa akin. Lumiko sya sa kanan kung saan dapat ako pupunta kanina, so tama lang pala ako.
Habang nag-lalakad kami, hindi ko maiwasang hindi tignan ang paligid. This school was designed for rich kids! Ma-gaganda at ma-gagwapo ang mga nakakasalubong namin.
Walang-wala naman ang mga nag-sisipormahang lalaki sa katabi ko ngayon. Sa totoo lang, wala pa sila sa kalahati ni Kris! At halos ata lahat ng madaanan namin, napapalingon. Mapa-babae man o lalaki.
The girls sighed dreamily samantalang nakatingin lang ang mga lalaki na parang sinusuri nila kami ni Kris.
Umakyat kami ng hagdan ni Kris, 2nd floor. I think dito na nga ang 1st subject ko.
"Girls! Nakita kong naandito si Ethan kanina!" Nag-dadaldalan ang apat na babae at nakatambay sila sa labas ng pinto na halos iparinig na nila ang usapan nila sa lahat ng dumaan. Tss.
Nang papalabas na sila, natanaw nila si Kris at otomatikong napa-titig at napa-nganga sila.
"Gosh! Si Kris Jimenez yun diba?!"
Narinig kong nag bulungan pa sila. At para naman ngang may magnet tong kasama ko, lahat ng madaanan naming room na vacant pa, napapa-tingin at napapa-labas pa at tititig. Ow-kay! Enough! I think this is too much. Like, hindi naman artista si Kris-- Higit lang talagang mas gwapo sa mga artista.
Nang marating namin ang room ko, humarap na ako sa kanya at awkward na nagpaalam. Bakit ba kasi, humarap pa ako eh. At bakit ba hinatid nya pa ko dito mismo, I just asked for directions.
"A-ah, salamat."
Hinubad nya ang shades nya at napasinghap ang mga babae sa likod ko na nasa loob ng room na papasukan ko, kanina pa sila nanunuod samin.
"Yeah. Just don't forget what I told you." Seryoso na sabi nya.
Ngumiti ako at tumango. Napatingin sya sa likod ko at kumunot ang noo nya. Pagkatapos ay tumingin ulit sya sakin.
"Alright. I'll be heading to the office. Call me if you need something, got it?"
Tumango ako at dahil hindi ko na din kaya ang mga pares ng mata na nakatingin saakin. Hindi ko na din sya nagawang mangitian, even if I wanted to. Gusto ko pa sana mag-pasalamat eh, pati narin kay Ethan.
Umalis na sya at humarap na din ako sa room namin only to see na ang tataray ng tingin nila sakin na parang kine-question ang pagkatao ko. At ang masama, may babaeng nakatingin ng masama sakin at nakatayo sya sa harap ko.
"So you're Stephanie Mae Sanchez?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Parang iniinsulto nya ako sa tingin nya.
"Yes." Sagot ko na lang. Hindi ko na tinanong kung bakit nya ako kilala, pero sa tingin ko dahil yun kay Kris.
Tumawa sya nung sumagot ako at umiling.
"Hindi ko akalaing bumaba na pala ang taste ni Kris sa babae," She smirked.