Hiyang-hiya ako nang makarating kami nang walang uwing isda.
Si Kris na nasa tabi ko ay biglang hinawakan ang kamay ko at hinila ako para maupo. Mukhang hindi naman sya kinakabahan o ano, ako lang ata. Kasi naman eh, nakakahiya. Halos isang oras kami nawala pero wala naman pala kaming dalang isda.
"Ano namang ginawa nyo at nagtagal kayo dun?" Nakataas ang kilay na tanong ni lola Lina. "Tapos wala pa kayong dala?"
Hindi sya pinansin ni Kris at nagsimula nang kumain. Buti na lang at nanguha si Sean ng mga easy open canned goods. Kundi ay gulay lang ang ulam namin.
"Ah eh.." Argg. Awkward. Hindi ko napaghandaan ang sasabihin! Eto namang katabi ko ay kampante at wala namang pakialam, ni hindi man lang ako tulungang magpaliwanag.
"Tae. Don't tell me, ginawa nyo 'yun' doon?" Tanong ni Ethan.
"Kailangan sa damuhan pa talaga ginagawa 'yun?'" Singit naman ni King na umiiling iling.
"Shet. Kasasalaula, hindi man lang naghintay. Meron namang kubo." Sabi ni Blue na nakangiwi pa.
Tapos nagtawanan ang mga lalaki.
"Mga ulol." Komento ni Kris sa mga kaibigan.
"Anong klaseng gulay 'to?" Tinaas ni King ang hawak na gulay na hindi na maintindihan ang itsura.
Nagtawanan kaming lahat. Paano, si Ethan ang nagluto. Hindi naman pala marunong magluto, si Kc kasi ang nagsaing ng kanin.
"Ano bang klaseng gulay to? Tsk!" Naiiritang sabi ni Kris sabay tanggal ng gulay sa plato nya. Medyo natawa ako kasi naman, seryosong seryoso sya.
"Nagsalita yung walang uwing isda." Nagpaparinig na sabi ni Ethan.
Kris just smirked at him. Tapos nagkwentuhan na lang kaming lahat.
Nalaman kong nadulas si King sa pag-igib kanina. Grabe! Kaya pala sya may gasgas sa siko.
"Tsk! Ayoko sabi kasing mag-igib." Bumubulong na sabi ni King.
"Ako pa ang sinisi mo dahil lampa ka?" Sinamaan sya ng tingin ni lola Lina na medyo natatawa tawa pa.
"Wow la, hindi kita sinisisi!" Nagmake face si King. "Kasalanan ng lintek na tae ng kalabaw. Bwisit talaga."
Nagtawanan ulit kami. Grabe, ang sama pala ng nangyari kay King. HAHA!
+++
"Dito ako, dito ka, dyan ka." Sabi ni Kc habang tinuturo isa isa ang mga banig na nasa sahig.
"Wala bang malambot na kama lang? Ah! This is so unfair." Nagrereklamong sabi ni Krystal.
"You know what? Pwede ka namang matulog sa labas, I think mas malambot sa damuhan." Umirap si Kc sa kanya.
"And you know what? You don't have to be so mean!" Tinalikudan sya ni Krystal na pumilantik pa ang buhok saka humiga sa gilid, sa huling banig. "Gosh! Napakatigas!"
"Tss. Stupid spoiled brat." I heard Kc murmured. "Let' s sleep." Sabi nya lang at inayos na ang sarili nya.
Naandito nga pala kami sa isang kubo. Dito kami matutulog na mga babae. Si Lola Lina ay naandito rin at tulog na tulog na kanina pa. Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang kubo. Tulog na kaya sila?
Inayos ko ang higa ko at nagtalakbong sa maliit na kumot. Nang una ay hindi pa ako makatulog pero kalaunan ay bumigat na rin ang talukap ng mata ko.
Nagising ako dahil sa tawanan at ingay sa labas. Mga boses ng mga lalaki. Binuksan ko ang mata ko at nakitang gising na si Kc habang inaayos ang buhok nya at nakaupo pa rin sa banig.