Hello po! Sana magustuhan niyo yung story. If you want to ask, say, request or criticize anything, feel free to comment but please don't be rude.
Si Mira po yung girl sa pic 😀
__________________________________________________
"There is war for peace. But if peace becomes stagnant, it is for war."
Mira's POV
11:46 pm
"Nandito na tayo." Seryosong sabi sa akin ng kalbong driver na nagdala sa akin dito, kung anong lugar man ito. Tauhan siya ng gobyerno pero hindi ko maintindihan kung anong koneksyon non sa pagdadala niya sa akin dito mula sa DSWD.
Tanging ang malakas na ulan lamang ang musikang nanaig sa pagitan namin habang hinihintay niyang sumagot ako. Malas nga lang niya dahil wala akong balak makipag-usap sa kahit na sino.
Nang wala siyang natanggap na tugon mula sa akin ay pinatay na niya ang makina ng itim na van na tanging kaming dalawa lang ang nakasakay. Kumuha siya ng payong at pinagbuksan ako ng pinto.
Akala ko aalalayan niya ako palabas.
Akala ko lang pala.
Bigla niya akong hinatak palabas at sumalampak ang katawan ko sa basang aspalto. Nanakit na naman ang pilay ko sa kaliwang paa.
Dalian niyang sinara ang payong na dala at sumakay siya sa van. Wala akong nagawa kundi indahin ang sakit ng katawan ko. Nanghihina ako.
Hindi na ako sumigaw dahil alam kong wala itong magagawang mabuti sa akin.
Damang-dama ko ang nakakakilabot na hanging dulot ng ulan at gabi na yumayakap sa sira kong kaluluwa.
Hindi ko alam ang gagawin.
Ilang minuto pa ay pilit kong inaninag ang sumbrero kong tumalsik dulot ng pagkakahagis sa akin.
Nang mahanap ko ito ay naaninag ko ang isang malaking bahay na medyo naiilawan ng posteng malapit rito.
May naramdaman akong mali.
Kahit na hirap na hirap ay pinilit kong tumayo. Sinuot ko ang sumbrero ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa bahay. Habang yakap ko ang sarili ko.
Habang papalapit ako nang papalapit ay naaamoy ko ang dugo. Tulad ng amoy na nasamyo ko noong gabing iyon.
Nang makarating ako sa tarangkahan ng bahay ay nabasa ko ang lumang karatula kung saan nakalagay
"Katana Orphanage"
Kung titignan ay luma na ang bahay ampunan. Gawa ito sa kahoy at semento. Tiyak rin na malawak ang lupang kinatitirikan nito at maraming palapag ang bahay ampunan. Marami ring puno sa paligid.
Hihingi sana ako ng tulong pero lubusan na akong nanghihina.
At sa ikalawang pagkakataon ay mali ako ng akala.
Akala ko kaya ko ang mag-isa.
Pero mali na naman ako.

BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...