Si Martha 👆
Enjoy!
___________________________________________________
"Emotions make us fragile."Mira's POV
Kailangan ko siyang sundan.
Pero paano?
Marami pa akong gagawin at tiyak na kailangan ako ni Josephine dahil nanganganib na ang buhay niya.
Siya na nga pala ang isusunod nila.
Pero sino nga ba sila?
Sila Jaimee ba?
Si Jaken?
O baka naman marami pang iba na hindi ko pa nakikilala.
Ewan ko ba. Wala sa plano ko ang magkaroon ng koneksyon kanino man, pero sa kaso ni Josephine...
Hindi ko na hahayaan pang may mapahamak ng dahil sa akin.
Kinuha ko na ang mga gamit kong panglinis at lumabas na ako ng cr.
Biglang dumating si Sam. Hinihingal siya at pagod na pagod.
"Ba-bakit h-hindi ka-h dumating? Hah-hah-hah," tanong niya na halatang medyo naiirita. Nakahawak na ang mga kamay niya sa tuhod niya.
"Ano bang sinasabi mo?," sagot ko.
Nagpapawis na ang mga kamay ko sa hawak kong mop. Naalala ko ang mga nangyari nung gabi. Naalala ko rin si Jaken at ang inulit niya sa balikat ko.
"Hindi ba't may binigay ako sayo!?," sabi niya na talagang naiinis na. Mukhang hindi na siya hinihingal.
"O-oo," matipid kong sagot at kinakabahan ako.
"Nasan na?," panguusisa niya.
"Na-nawala," mahinang tugon ko.
Bakit ba ako nahihiya? Sino ba siya para sigawan ako?
Bakit ba nagiging mahina na ang loob ko?
"Ano!?," pagbulahaw niya at biglang tumalikod.
Nagsimula na siyang maglakad palayo.
"Teka, anong nakasulat dun?," tanong ko.
Hindi man lang siya sa akin humarap.
"Isang katotohanan na wala ka nang karapatang malaman," tugon niya at bigla na siyang kumaripas sa pagtakbo.
Baliw ba mga kasama ko dito?
Di ba bahay ampunan to? Dapat ligtas to sa mga bata. Pero sabagay, hindi ko nga alam kung nasaang lupalop na ako ng daig-dig.
Andaming misteryo. Dalawang araw palang ako rito pero may namatay na.
Si Caiche, sino kaya siya para sa kanila?
Umalis na si Sam at naiwan akong mag-isa.
Dahil hallways ng buong orphanage ang lilinisin ko, nalibot ko ang buong lugar.
Naligaw ako ng ilang beses pero kalaunan ay naaalala ko na ang mga pasikot-sikot.
Pero habang naglilinis ako, nararamdaman kong may nagmamatyag sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng isang hallway nang biglang magring ang bell. Rinig pala iyon hanggang dito.
Dahil sa pagod at ayaw ko nang maglinis, tumakbo na ako pabalik sa hallway sa pagitan ng kwarto namin at ng dining room.
Pagdating ko dun ay nakapila silang lahat.
Mabilisang naganunsyo si Ms. Carein na may facial mask. Halatang kagigising lang ng donya utos, donya tamad.

BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...