Si Brianna po 👆🏻👆🏻
Salamat po sa mga nagbabasa!! Hihihi
I'm doing my best to update everyday. Kulit po kac ng kapatid ko, kinukuha ung iPad.
Enjoy!
____________________________________________________________________________________
"Beware."
Mira's POV
Matapos Kong makuha ang libro, nagtungo agad ako sa Kuwarto. Nakabuntot pa rin sa akin si Shiku.
Lalo akong naiinis sa kanya dahil mas Malala na siya ngayon.
Sweetheart na talaga ang tawag niya sa akin.
Diyos ko, nakakaawa naman si Jose Rizal. Kung ang kabataang tulad in Shiku Lang ang magiging pag-asa ng bayan, pwede bang huwag na Lang?
Kanina lang kami nagkausap tapos ngayon feel na feel na niya na kami na?
Bwiset.
Pero hindi dapat ako magpaapekto sa mga Tao dito.
Masyado na akong nalilihis sa plano ko.
Pero ano nga ba talaga ang Plano ko?
Kailangan kong makatakas mula dito pero bago iyon, kailangan Kong masiguro na aalis ako na ligtas na ang lahat.
Pagkarating namin sa Kuwarto ay agad kong itinago ang libro.
Daldal parin ng daldal si Shiku at kausap niya si Jaken.
Si Jaken naman ay tawa nang tawa Kay Shiku na para bang normal lang and lahat.
Naaalala ko na naman and ginawa niya sa akin.
"Sweetheart! Alam mo ba? Napakataba in Jaken dati hHahahaha," sabi niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig dahil nailagay ko na naman ang libro sa chest ko.
Tinignan ko sila ng masama at sinadya kong hawakan and balikat ko na sinugatan ni Jaken. Pero nginitian lang ako ni Jaken.
Bigla naming narinig ang pagring ng bell at nagtungo na kami sa dining room.
Magkasama uli si Francis at Josephine. Nakatingin lang ng masama si Jamie.
Nang uupo na ang lahat, magkahiwalay na umupo si Francis at Josephine pero malayo silang dalawa mula kay Jamie.
Umupo sa tabi ko si Francis.
Heto na naman ang mga kabaliwan niya.
"Mira, sorry kung hindi kita masyadong nakakausap ha? May iniintindi lang ako,"sabi niya na para bang napakalaki ng kasalanan niya sa akin.
Nasa kanan ko si Francis habang nasa kaliwa ko naman si Shiku.
Nakatingin nang masama si Shiku kay Francis. At nung napansin ni Francis na katabi ko si Shiku,ay tinignan niya rin ng masama si Shiku.
Ano bang problema ng mga tao dito?
Pagkatapos naming kumain ay kami na rin ang pinagligpit ni Aileen. Oo nga pala. Isa siya sa mga pet ni Ms.Carein.
Pinagligpit niya kami samantalang hindi man lang sila nagligpit. Silang apat na halatang nagpaplastikan lang.
Matapos ang lahat ay lumabas na ako ng silid at nakabuntot si Shiku s akin.
Sumunod rin si Francis at nang nakapunta na kami sa area na wala na masyadong bata ay kinausap niya ako.
"Pwede ba tayong magusap saglit?,"tanong niya,"Yung tayong dalawa Lang." Dugtong pa niya na para bang pinaparinggan si Shiku.

BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...