Si Josephine po yung pic sa taas.
SPG may mature content po ito.
___________________________________________________" There are two kinds of dreams; the fake and the impossible."
Mira's POV
Dahil sa malakas na sigaw ay nagkaroon ng komosyon sa silid. Naging maingay ang paligid dahil sa paguusap-usap ng mga kasama kong bata.
Ngunit wala ni isa man lang ang tumayo upang pumunta sa pinanggalingan ng ingay.
"Bakit ka nagkapilay?", biglang tanong ni Kim sa akin.
Nakakagulat nga lang na napansin niya ang pilay ko. Inoobserbahan niya ba ako kanina?
" May nangyari na nga tapos may gana ka pang magtanong sa akin ng ganyan?", sagot ko na kasamang irap.
"Oh sige, ano munang pangalan mo?", ngunit hindi na siya nakatingin sa akin.
Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba o hindi.
" Bilisan mo. Ayoko ng pinaghihintay ako." Mukhang bored na bored na siya at wala lang talaga siyang choice kung hindi kausapin ako.
"Elmira." Matipid kong sagot.
"O ayan. Alam ko na pangalan mo. Sagutin mo naman yung tanong ko kanina." Aba! Demanding tong kulot na to!
" Wala ka na dun."
"Natural. Edi sana kung nandun ako dapat alam ko na kung bakit diba?" Masungit rin pala tong isang to. May kalalagyan ka rin sakin.
Hindi ko na lang siya pinansin.
Sandali lang ay natahimik ang lahat dahil sa biglang pagpasok ni Ms. Carein. Halatang hinihingal siya.
"Wa-walang papasok sa kuwarto ng mga la-lalaki. Sa ku-kuwarto ng mga ba-babae muna matutulog ang mga lalaki. Pagkakain niyo, magtungo kayong lahat sa klase", Pag-aanunsiyo niya at agad rin siyang lumabas.
Klase? Ibig bang sabihin nito ay may nagtutro rin sa mga bata dito?
"Dapat kang sumaya", sabi ni Kim pagkaalis ni Ms. Carein.
" At bakit?,"tanong ko na may halo pa ring pagsusungit.
"Hawak natin ang oras buong araw. Bilisan mo at may taong gusto kang makausap." Misteryoso niyang sabi at inubos ang mga natitirang pagkain sa plato niya.
Pagkakain ng lahat ay pumila silang muli at nakisabay naman ako. Sa dulo uli ako nakapila. Nawala sa paningin ko si Kim.
Pumasok kaming lahat sa isa na namang malaking silid. Katulad ng hallway, marami ring litrato sa dingding. May malaking pisara sa harap. Tumabi sa kakanan ko ang isang lalaking mukhang mas matanda pa sa akin ng dalawa o tatlong taon. At umupo naman si Kim sa kaliwa.
May naaalala ako sa kanya. Kamukhang-kamukha niya ang taong iyon.
"Hi. So, ikaw yung bago? Sa pagkakarinig ko Elmira daw ang pangalan mo." Sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Nakakapagtaka. Paano niya nalamang Elmira ang pangalan ko? Si Kim pa lang ang nasasabihan ko. Tinignan ko ng masama si Kim. Binigyan ko ba siya ng permiso na ipagsabi yung pangalan ko?
Nagkibit-balikat lang siya.
Nakatingin pa rin sa akin yung lalaki. Kahit nakaupo siya, halatang matangkad. Siguro hanggang balikat lang niya ang height ni Kim at baka hanggang dibdib niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...
