Ika-labing Apat na Kabanata: Observer

16 2 0
                                    

"People who often look back can hold time, in the throat."
___________________________________________________

Andrea's POV

Nakakapagtaka.

Bakit puro kasamaan ang nangyayari sa mga inosenteng bata sa Katana Orphanage?

Hindi pa ba sapat ang kamalasang dinanas nila nang mamulat sila sa mundo ng walang magulang?

Bakit ba kami nandito?

Ang natatandaan ko lang ay ang mga pangyayari noong anim na taong gulang ako.

Nagkaroon ng malaking sunog sa compound ng tinitirhan namin.

Gabi noong panahong iyon at tulog ang buong pamilya ko.

Sinusubukan ko silang gisingin pero hindi ko magawa dahil may kapansanan ako.

Hindi ako nakakapagsalita.

Ang alam ko lang, tumakbo ako papunta sa pinto para humingi ng tulong pero nang malayo na ako sa kama kung saan nakahilerang natutulog ang pamilya ko, nabagsakan sila ng malaking kahoy na parte ng kuwarto.

Dahil sa usok ay hindi ako nakahinga at nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa ospital at matapos ang ilang araw ay dinala ako sa isang bahay ampunan.

Marami kami.

Biglang may dumating na mayamang lalake.

Si Mr. Hatsune.

Habang naguusap sila sa opisina ng namamahala sa ampunan ay nakasilip ako sa awang ng pinto at narinig ko ang pinaguusapan nila.

Maaaring pipi ako at may diperensya rin ang aking tenga.

Pero noong bata ako, naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng pagaabot ng pera at ng mga ngising walang awa.

May binili si Mr. Hatsune.

Nang hapong iyon, isinakay kami sa isang van.

Marami kami at puro kami bata.

Dinala kami sa liblib na lugar.

Sa Katana Orphanage.

Ibinaba kami at Pagtingin ko sa paligid ay marami pang ibang van kung saan marami ding mga bata.

Pinapasok kami sa loob ng 'bago namin tahanan' .

Doon ko sila nakilala.

Sila Jamie, Josephine, Martha, Chelsea, Elizabeth, Angel, Francis, Caiche, Eric, at John.

Mababait sila at madali lang silang naging magkakaibigan. Halos lahat sila ay lulan ng van pwera lang Kay Angel.

Si Angel, Stephanie at Shiku na hanggang ngayon ay nasa Katana Orphanage pa rin ay nandun na Simula pa lang.

Nasa Katana Orphanage na sila bago pa man kami dumating.

Nung una nagtaka rin kami dahil tatatlo lang sila.

Sabi nila nagkaroon daw ng aksidente. Isang malaking sunog.

Noong mga panahong ikinuwento nila sa akin iyon ay naalala ko sinapit ng pamilya ko. Pero hindi ko maikuwento dahil, pipi ako.

Sino bang kakausap sa akin eh pipi nga ako?

Sinubukan kong makipagkaibigan sa grupo nila Jamie.

Oo nga at mababait sila pero mukhang pinipili rin nila ang makakaibigan nila. At unti-unti silang naging masasama.

Binully nila ang mga bata sa Katana Orphanage.

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon