Enjoy!
___________________________________________________
"Small things make us hurt more than the big things,"
Mira's POVBabalik ako sa kuwarto, gabi na rin pala.
Matapos kong makarecover sa mga nangyari ay tumayo na ako kahit medyo nanginginig pa rin ako.
Medyo nadeform ung T-shirt ko dahil sa pagkakahila kaya pumapasok ang lamig sa katawan ko kapag humahangin ng malakas.
Buti na lang hindi ako nagsamantalahan nung manyakis na yun habang tulog ako.
Ano kayang meron sa inukit ni Jaken sa balikat ko?
Dapat ko ba siyang pasalamatan dahil niligtas niya ang buhay ko? O baka naman may kinalaman siya dito?
Papasok na sana ako sa kuwarto nang may pumasok sa isip ko.
Si Raphaela.
Patay na siya.
Saan kaya siya pinatay?
Dinala ako ng mga paa ko sa 3rd floor. Baka sakaling makita ko ulit si Angel.
Nilibot ko ang mga kuwarto doon.
Pero wala siya.
Babalik na sana ako pero hindi ko na mahanap ang lugar pabalik.
Nakakatakot pa naman. Madilim ang paligid.
Naliligaw ako!
Naglakad lakad muna ako sa paligid nang may napansin akong kuwarto na nakabukas ang pinto.
Bakit ito lang ang bukas na pinto? At kung may nakabukas na pinto, sigurado ako na mapapansin ko agad iyon noong unang punta ko pa lang sa 3rd floor.
Kahit natatakot ako, binuksan ko pa rin ang pinto.
Maraming upuan. Parang classroom.
Kahit na madilim, naliliwanagan ng kakaunti ang kuwarto dahil sa liwanag ng buwan na kitang kita mula sa nakabukas na mga bintana.
Sa dulo ng kuwarto ay may upuan kung saan may nakaupong babae.
"Angel?ikaw ba yan?," tanong ko na nanginginig pa ang boses.
Pero walang sumasagot.
Nakatigil lang ang babae.
Nilapitan ko siya at kakausapin ko sana pero nang tignan ko siya...
Ito ang bangkay ni Raphaela.
Napaupo ako sa sahig.
Hindi ako makapaniwala.
Bakit ba tuwing may namamatay, hindi nila agad nililibing?
Tumayo ako bigla at kahit na kinikilabutan ako, tinignan ko ang mukha niya.
Nakadilat ang isa niyang mata.
Puro pasa.
Puro hiwa ng matalim na bagay ang katawan niya.
Pero malinis ang bestida niya na kulay puti.
Napakabaho na ng presko niyang bangkay.
Hinipo ko siya at matigas ba rin ang laman niya.
Teka, alam kaya ng manyakis na may ari ng Orphanage na ito ang tatlong patayang naganap?
Nagulat ako ng biglang may taong pumasok sa loob.
Lalaki.
Naglakad siya ng dahan-dahan papalapit sa akin.
Natatakot ako.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...