Ika-labing Limang Kabanata: Chaos

23 3 0
                                    

"Shapeless Heap"
___________________________________________________

Mira's PoV

Nagising ang lahat sa malakas na pagkakadabog ng pinto.

Pumasok si Ms. Carein.

Galit na galit.

"Gisng! Gising! Brenna! Aileen! Gisingin ang lahat at papilahin sa labas." Sabi niya at umalis na agad, binalibag na naman niya ang pinto.

Sa sobrang takot, nagsipila na agad kami sa labas.

Inaantok pa ang lahat.

3:21 am pa lang -_-

Pagkalabas namin ay nakapila na ang mga lalake.

Biglang nagsimulang maglakad ang lahat papunta sa 3rd floor.

"Joke ba to?," narinig kong reklamo ni Sam.

Walang Sumagot.

Nakarating na kami sa 3rd floor at naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa papasukin kami sa kuwarto kung saan namatay si Raphaela.

Pero wala na ang mga upuan dito.

Nang nasa loob na kaming lahat ay sinara ni Ms. Carein ang pintuan.

"Akala niyo ba nakalimutan na namin ang mga krimen nyo? Walang lalabas hanggang walang umaamin!," at lumabas na siya at nilock ang pinto.

"Ano?,"

"Ibig sabihin kasama natin yung killer ngayon?"

"Oo"

"Hala nakakatakot!

Narinig kong sabi ng iba.

Puro reklamo.

Hanggang sa napansin ko na lumalayo ang iba sa akin.

Buti na lang lumapit si Shiku.

" hi sweetheart!," masaya niyang bulong at niyakap ako.

Bigla ko siyang sinipa at kamuntikan na siyang tamaan sa ano niya..

"Sweetheart naman eh! Ang sweet mo grabe!," reklamo niya at umilag sa akin.

"Sweetheart mo mukha mo! Bakla ka ba!?," singhal ko sa kanya.

Tumingin ako sa paligid.

Nahiga na lamang ang iba sa maruming sahig.

Mga tanga...

Biglang may tumili..
"May dugooo... Ahhhh!!!," nagsitinginan naman ang iba, natakot at lumayo.

Yan kac... Higa ng higa hindi tumitingn...

Biglang Sumagot si Shiku.

"Bakla ako noon, naging lalaki lang dahil sayo.. Yieeeee kinikilig yann! Hahahahah," anlakas talaga ng tama nito eh.

Inirapan ko lang siya.

Natahimik saglit ang loko at Maya Maya Pagtingin ko, nakaupo na siya sa sahig at natutulog.

Naramdaman kong may lumalapit sa aking babae.

Tinignan ko lang siya.

Hindi ko siya gaano kilala dahil lagi lang siyang tahimik.

Tumabi siya sa akin at nakatayo lang kaming dalawa.

Hindi niya ako kinausap.

Nakatingin lang siya. Sa akin...

"Anong problema mo?," tanong ko.

Nakakainis na kac.. Hindi ba niya alam na bastos ang tumingin sa mukha ng ibang tao ng walang dahilan...

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon