Si Mr. Hatsune 👆
___________________________________________________
"Never stop the inevitable."Josephine's POV
Grabe ang nangyari kagabi. Buti na lang at may umaga pa na tanda ng pagtatapos ng kahapon at pagsisimula ng bagong bukas.
Pero parang mas magiging mahirap ang araw ko ngayon.
May darating na bisita. Ibig sabihin, lalabas si Mr. Hatsune at pag may natipuhan na naman siya, madadagdagan na naman ang mga biktima niya.
Pagkagising pa lang, ginawa na muli namin ang mga ritwal pagumaga at pagmay bisita.
Pero sabagay, kahit na makikita ko si Mr. Hatsune, okay na rin.
Ay least may pag-asa na may magampon sa akin. May pag-asa na makaalis ako dito ng mas maaga.
Ang ikinakatakot ko ay si Elmira, tiyak na magugustuhan siya ni Mr. Hatsune. Mas bata siya, mukhang inosente, maganda at balingkinitan ang katawan.
Natatakot ako para sa kanya at para Kay Francis.
Masyado siyang mahalaga para Kay Francis.
Mira's POV
May darating na bisita. Mag-asawa daw. Iyan ang pagkakaalala ko na ino-announce ni Ms. Carein kagabi bago mag-lights off.
Nagayos na kaagad kami ng aming mga sarili matapos magalmusal at magligpit.
Dumating na ang mga bisita. Nakapila kaming lahat sa hallway.
"These are Mr. And Mrs. Cruz and this is Mr. Hatsune, the owner of this orphanage.," pag-announce ni Ms. Carein.
Isang babaeng mga 40 years old na ata ang nasa harap namin kasama ang asawa niya at ang isa pang lalaking nakasalamin. May edad na silang tatlo pero mas mukhang matanda ang isang lalaki na nakasalamin na mukhang may lahing Hapon.
Naglakad ang mag-asawa at tinignan kaming lahat.
Bumalik ang mag-asawa sa unahan ng pila at nagusap sila ng nakasalamin.
Ung nakasalamin naman ang naikot.
Nakakakilabot siya.
May aura siya na ... Madilim.
Tumigil siya sa tapat ni Josephine at...
Ngumisi.
Pinagmamasdan niya kaming lahat at napansin kong tumigil ang mata niya sa akin.
Yumuko ako gawa ng ginagawa ng iba.
Lumapit siya sa akin.
"What's your name?," sabi niya.
Tinignan ko lang siya at hindi ako Sumagot."Elmira, sir," sabat ni Ms. Carein. Ayaw niya sigurong may mapahiya.
Tinignan ako ng masama ni Mr. Hatsune at umalis na siya.
Nagusap silang dalawa ni Ms. Carein.
"Mga bata, free kayo buong araw," Pag-aanunsiyo ni Ms. Carein.
Agad akong lumayo. Hinanap ko si Shiku at nakita ko siya. Mukhang hinanap niya rin ako.
"Halika na," sabi niya. Seryoso siya.
Sumunod na lang ako sa kanya dahil natatakot pa rin ako Kay Mr. Hatsune.
Dinala niya ako sa library.
"Teka," sabi ko sa kanya at napahinto siya sa nagbubukas ng pinto ng library.
"Bakit?," nagtataka niyang tanong. "Gusto mo kiss sweetheart?" Pang-aasar niya. Hindi na naman siya seryoso.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...