Ika-anim na Kabanata: Redeem

27 2 0
                                    

Si Shiku 👆

Tapos na prefinals! Projects naman hihohu... Enjoy!
___________________________________________________"Risk nothing, get nothing."

Mira's POV

Pagkasabi pa lang ni Stephanie ng balita ay kumaripas na kaming tatlo ng takbo papunta malapit sa office ni Ms. Carein.

Pagtingin naming tatlo ay kahindik-hindik pala talaga ang sinapit ni Chelsea.

Pero may napansin akong kakaiba sa senaryo.

May nagawang pagkakamali ang killer.

Nakapuwesto ang bangkay malapit sa pintuan kaya siguro madaling may nakakita.

Intensyon niya man na may makakita agad ng krimeng ginawa niya, maaaring naubusan siya ng oras o di kaya naman ay hindi umayon sa plano niya ang kilos ng mga tao sa paligid niya.

Malinis ang sahig sa paligid ng bangkay ngunit may mga bakas ng sapatos sa sahig papalabas ng pinto na siguradong hindi galing sa mga nakakita. Ito ay dahil makapal ang tuyong dugo. Ginawa niya siguro ito upang magmukhang doon siya dumaan palabas. Ngunit mukhang nahuli siya sa paglilinis ng ebidensya.

Sa dulo ng cr malapit sa may bintana ay may isang patak ng dugo sa sahig.

Malayo ito sa katawan ng biktima pero maaaring dito siya tumakas.

Maaari ding galing ito sa tunay na patakim na ginamit niya sa pagpatay sa biktima.

Kung titignan ang katawan ng biktima, mukhang unti-unti siyang itinulak sa bitag ng kamatayan at tsaka pinatay ng mabilisan.

May maliliit ding hiwa ang mga braso niya.

Mga hiwang katulad ng pagkakaukit sa balikat ko.

"Dito ka lang ha? Magobserba ka. Sa lahat," pabulong na sabi ko Kay Stephanie. Alam ko na nahihirapan siya sa sitwaston. Pero sa ngayon ay kailangang-kailangan ko ang tulong niya. Mukhang malabo naman na siya ang killer.

Tumango naman siya.

Tumakbo ulit ako kasama ni Shiku. Dere-deretso ako sa kuwarto ng mga babae at nakasunod lang siya sa akin.

Pagdating namin sa kuwarto, binuksan ko agad ang chest ko. Wala na akong pake kung nandun. Pa rin si Shiku sa tabi ko.

Kinuha ko ang isang maliit at itim na bagay at itinago ko iyon mula sa kanya.

Nakaupo na siya sa kama kaya hindi na niya ito nakita.

"Anong plano mo?," tanong niya sa akin. Sumisipol pa siya ba para bang walang namatay.

"Wala ka na dun. May library ba dito o kung ano mang napagbasahan mo ng mga kalokohang nalalaman mo gaya nung quaesitor? ," tugon ko.

"Hindi ako kasama sa plano mo diba?," ngumisi siya na para bang nangaasar.

Sinara ko ang chest ko at bigla na lang akong napaupo sa kama ko.

Magkaharap kami.

Nakaupo siya sa kama na katapat ng kama ko.

"Oh? Akala ko ba may plano ka?"

Sinimangutan ko lang siya.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Huwag mo nga akong titigan. Alam kong nainlove ka na sa akin kahit sandali pa lang tayong naguusap. Pero huwag mo namang ipahalata. Babae ka pa rin uy! Lalaki lang ang nanliligaw!," pang-aasar niya.

Nagulat siya sa bigla kong pagtayo.

Masyado nang nakakatakot at boring ang buhay ko rito.

Mapagtripan nga.

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon