"Do you know what happened to the boy who went to the road less traveled? He disappeared."
___________________________________________________
Mira's POVNapakacorny nung mga nakasulat sa journal. Like, ang weird nila. Nagaaway na nga cla nagawa pa nilang isulat sa journal.
Pero siguro nga ganun katibay ang pagkakaibigan nila na kahit nagkakalokohan na eh tinuloy pa rin nila yung kabaliwan nila.
Umalis na lang kaya ako dito bigla. Tumakas nang walang pakialam kung sino ang sunod na mamamatay.
Tutal naman wala akong nagagawa para pigilan yung pumapatay.
Tapos nang maglinis ang lahat at hinanap ko si Francis para kausapin. Tanungin.
Nakita ko siya sa isang garden na ngayon ko lang napuntahan.
"Mira," sabi niya na halatang nagulat.
Tumabi ako sa kanya.
"Bakit niyo pinatay si Josephine?,"Hindi siya nakasagot.
"Bakit!?," Tanong ko ulit at hinatak ang harapan ng T-shirt niya.
"Ni-niloko niya ako."
Nabitawan ko siya.
"May iba siyang lalake!!." Naiiyak at pasigaw niyang sabi.
"Pero hindi mo pa rin dapat siya pinatay! Napakasama mo.!!"
Mukha siyang nagsisisi..na nasisiraan ng ulo.
"Tinanong mo man lang ba kung sino," tanong ko.
"Hindi ko alam." Bakla ata tong kapatid ko.
Naalala ko si Mr. Hatsune, yung ginawa niya at yung pekulasyon ko.
"Alam ko kung sino." Napatingin na lang siya sa akin.
Sasabihin ko na sana kung sino nang biglang nagring ang bell.
Murderer's POV
Nakapila ang lahat sa hallway. Halatang naiinis na ang iba samantalang tahimik akong nagoobserba.
"Magkakaroon tayo ng field trip sa isang carnival mamayang Hapon at pagkatapos ay dederetso tayo sa isang rest house para magbakasyon. Mamaya na kayo magpasalamat Kay Mr. Hatsune." Sabi ni Ms. Carein.
Tss... magpasalamat sa gunggong na yon?! Ako kaya ang nagplano nito.
Para mabilis at mas exciting ang laro.
Hahaha hahaha.
Nagpanggap ako na nagaayos ng gamit ko Kasabay ng iba pang bata. Mga tanga sila.
Nang alas dos na ng Hapon ay sumakay ang lahat sa isang van. Hiwalay ang lalake sa babae.
Bago sumakay ang bawat isa ay may sinaksak sa aming injection. Para daw makaiwas sa sakit.
Maingay masyado sa isang van kaya lumipat ako. Yung mga batang walang kaalam alam eh walang nagawa.
VIP ako...
Ako kasi yung killer mga tanga.
Killer. Mastermind. Lahàt na.
Huminto ang van sa isang lumang carnival.
Walang ibang tao. Kami lang. Syempre planado. Kung hindi ko to nasabi Kay Hatsune edi lalong bumagal. Kailangan mamatay na ang mga dapat mamatay.
Masyado nang matatanda ang kasama ko sa orphanage. Gusto ko na ng mga bagong kalaro.
Agad na pinababa ang mga bata at pinapasok kaming lahat sa loob. Nagulat ang lahat nang ilock ang gate. No way out.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...