Ikatlong Kabanata: 3rd Floor

59 2 0
                                    

Si Jamie po yung picture sa taas.
Sa mga nagbabasa po, kung meron man, I'll try my best to update the story everyday. Busy po kasi and stressed. Hope you enjoy it.
___________________________________________________
"Looking back is like facing a mirror."

Mira's POV

Hindi ko pa rin maintindihan kun bakit sinabi ni Francis ang mga salitang iyon. Sino ba ako sa kanya eh ngayon nya pa lang ako nakilala?

"Halika na," sabi ni Francis habang inalalayan parin ako.

Tumigil kami sa tapat ng isa sa mga kuwarto. Mukhang bihirang dumaan ang mga tao dito.

Pinagmasdan muna ako ni Francis habang si Kim naman ay nakatalikod sa amin at nakatingin sa kung saan.

Nagulat ako.

Bigla akong niyakap ni Francis nang sobrang higpit.

"Ano ba!?", paninita ko.

Hindi pa rin siya nagpapigil at wala akong nagawa kundi magpayakap sa kanya. Naiipit na ang kamay ko sa mga bisig niya.

" Ano ba sabi!? Bitawan mo nga ako! Sisipain ko bayag mo!?", pananakot ko at sa wakas ay binitawan na ako ng manyak na 'to.

Muli niya akong pinagmasdan. Bakit ba mukha siyang nagaalala?

"Paano ka napilayan?", nagaalala niyang tanong.

Hindi ko pa rin alam ang isasagot.

" Sumagot ka!?", nagaalala ba siya o nagagalit?

"Ha-ha? Teka, bakit mo ba ako sinisigawan?",

" Sabihin mo na kasi.", mahinahon na niyang tugon.

"Na-nadulas ako."

"Saan?", bakit ba ang kulit niya?

" Ano bang pake mo? At saka bakit mo ako niyakap? Pumayag ba ako ha!? Sino ka ba?", panguusisa ko.

Masyado na niyang inuubos ang pasensya ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Basta lagi kang magiingat. Huwag kang magtitiwala kahit na kanino." Bahala niya.

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon