Mira's POV
"Paano ka napunta dito?" Tanong ko Kay Nico.
Nagpunta kami sa isang lugar sa Orphanage na wala gaanong tao.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
"N-Nico."
"Bakit mo ginawa yun?” nanginginig ang boses niya, malungkot.
"H-hindi ko sinasadya."
Tinitigan niya ako.
"Di mo ba alam na nasa panganib ang buhay mo ngayon?","Alam ko."
"Bakit hindi ka pa umaalis?!"
"H-ha?"
"Bakit hindi ka pa tumakas?" Hawak niya ang kabilaan kong balikat.
"Gusto ko rin silang iligtas...."
"Pinaglalaruan lang kayo dito. Mga eksperimento..may nalaman ako, kami"
"Oo nga pala, bat ka nandito? Anong nangyari sa pamilya mo?"
"Nagalal kami nung malaman namin..yung nangyari sayo Mira. Ginamit namin ang connection ng pamilya ko para payagan akong makapunta dito at iligtas ka."
"Baka mapahamak ka!"
"Hindi. Kailangan magtulungan tayo. Sa ngayon, huwag ka munang kakain ng mga pagkaing ibibigay nila."
"Ha? Paano yun...mamamatay tayo sa gutom..?"
"Hindi, tatakas tayo mamayang gabi. Hindi ka maaaring kumain ng mga ibibigay nila dahil baka lagyan uli nila ng isang uri ng droga.""Anong droga?"
"Ganito kasi Mira... may gumagamit sa mga bata dito. Pinapa-take sila ng droga nang d nila nalalaman. At pagkatapos tinitignan ng mastermind ng experiment na to kung ano ang epekto ng gamot. Yun ang dahilan kung bakit nakagagawa ng masasamang bagay yung iba sa inyo dito."
"......"
"Naiintindihan mo ba?"
"Marami ka pa lang nalalaman?" Sabi ng isnag boses sa likod ni Nico.
"Ms. Carein?!"
"Gusto kong malaman kung pano ka nakapasok dito?" Tanong niya...gamit ang malamig at nakakatakot niyang boses.
Natahimik kami ni Nico.
"Alam mo Mira...totoo lahat ng sinabi ni Nico. Kaya lang, walang lugar ang katotohanan sa orphanage ko."
May dinukot ang madre sa bulsa ng dress niya
Isang.....
Patalim.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at tinapatan ng kutsilyo sa leeg.
"Nico... matalinong bata... susunod ka ba sa iuutos ko..O isusunod ko to!?"
"M-mira..."
"Pumunta ka sa harap ko."
Sumunod si Nico.
"Lakad!"
Nakarating kami sa isang kuwarto sa 3rd floor nang walang nakakakita sa amin.
Naramdaman ko ang matigas at malamig na sahig ng madilim na kuwart nang itulak niya ako sa loob kasama si Nico.
At nilock niya ang pinto.
Napakabaho ng kuwarto.
"Mira...ayos walang ba?" Tanong ni Nico.
"Oo...ikaw?"
"Ayos lang .sorry kung dahil sakin lalo ka pang napahamak. Akala ko maililigtas kita.
Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.
"Wala bang bukasan ng ilaw dito?"
"Ichecheck ko."
Tumayo si Nico at nawala siya sa kadiliman ng kuwarto. Napagpasyahan kong tumayo na rin at maghanap.
Nang may natapakan ako.
"Ahhhhhhh....."
"Mira?! Mira?........Mira!"
Biglang bumukas ang ilaw.....
At tumambad sa amin
Ang mga buto...ng tao.
At ang mga bangkay nila Chelsea, Raphaela, Caiche, Stephanie at iba pa.
"A-anong gagawin natin, Nico?,"

BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Misteri / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...