Ika-labing Walong Kabanata: Punishment

1 0 0
                                    

Mira's POV

Nagising ako na nakagapos at napaliligiran ng mga batang hindi ko kilala.

Ano ba tong buhay ko.

"Pakawalan niyo ko!," Sigaw ko.

Pinagtawanan nila ako

"Relax ka lang Mira, laro lang naman to eh."

Sabi ng isang babae sa akin habang nakangisi.

Biglang bumulong ang isa pang babae sa unang nagsalita.

"Oo nga noh!"

"Mira, tutal naman ay hindi pa kami nakakaganti sayo pagkatapos mong patayin ang mga kasama namin...edi ngayon na lang namin gagawin." Sabi g isa.

"Bago yan, magpapakilala muna kami....para sa susunod alam mo na kung sino ang hindi mo dapat binabangga!" Sigaw niya.

"Ako si Anna." Sabi nung madaldal na kanina pa nagsasalita

"At ako si Hazel." Sabi nung babae na bumulong. May bangs sya. Idol niya ata si Martha.

"At silang tatlo sina Jasmin, janna at Samara."

Yung Jasmin poker face na mukhang walang pake. Si Janna mukhang curious na patayin ako....si Samara mukhang nahihiya pa.

Sino ba tong mg to...?

Nagulat na lang ako nang biglang may batong tumama sa tuhod ko.

Nakaupo ako at nakatali ang kamay ko sa likod habang nakatali naman ang mga paa ko sa upuan.

Agad na nagdugo ang tuhod ko.

Kahit sobrang sakit...pinilit kong pigilan...

Dahil kapag sumigaw ako..lalo silang gaganahan.

Lumapit yung Hazel sa akin at biglang hinila nang marahas ang buhok ko.

Napapikit na lang ako sa sakit at isang impit na ungol ang lumabas sa akin.

Pagdilat ko ay nakita kong may hawak nang makapal na patpat si Samara at para bang pinipilit siyang saktan ako.


Tumama ang palo niya sa......ulo ni Hazel.


Mahina ngunit sapat na para mawalan siya ng malay.

Nagulat ang mga kasama niya pati na rin ako dahil sa ginawa niya.

Nagkatitigan kaming lahat. Kita sa mukha ni Samara ang takot at galit naman ang makikita sa mga kasama niya.

"Si-sige, pa-pa-pag lu-lumapit kayo... magagaya ka-ka-kayo ka-kay Hazael!" Sigaw niya sa iba pa.

"Nababaliw ka na ba?" Sagot ng babae na Janna ata ang pangalan.

"Hindi natin siya dapat saktan! Pa-pare-parehas lang ta-tayo di-di-dito!" Nanginginig niyang sagot.

Namumula ang mga mata niya, nanlilisik na para bang nawawala sa sarili.


Ay mali. Oo nga pala. Lahat kami dito ay matagal nang wala sa sarili.

Natakot ang lahat s akanya at agad nilang ibinaba ang mga patpat nila.


Naupo na lamang sila sa gilid at natahimik.


Akala ko tapos na.


hindi pa pala.


Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon