Sana magenjoy pa rin kau kung may nagbabasa man.
___________________________________________________
" Stay."
Jamie's POV"Patay na ang kasama niyong si Kim," sabi ni Ms. Carein.
Sayang, kulang na kulang pa ang sakit na naibigay ko Kay Mira.
Dumating kasi tong lokalokang to kaya nagsitigil kami sa pagtutulungan na saktan si Mira.
Hindi pa rin ako mapakali. Alam kong wala siyang kinalaman sa mga pagpatay pero may atraso din siya sa akin.
Nilandi niya noon si Francis at sa obserbasyon ko Kay Francis, naaakit rin siya Kay Mira.
Lagi siyang nakatingin sa babaeng iyon.
Hay.
Napakarami nang nangyari.
Sunod-sunod.
Pero kasama kaya sa plano ng killer ang pagkamatay ni Kim?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.
Wala na rin akong tiwala sa sarili ko.
Totoo bang napatay ko si Raphaela?
Mamamatay-tao na rin ba ako?
Hindi to totoo.
Bukod dito, hindi maaaring magsumbong si Brianna at ang mga kaibigan ko tungkol sa ginawa namin Kay Raphaela.
kailangan kong protektahan ang sarili ko at ang mga kaibigan ko lalong-lalo na si Francis.
Si Francis.
Miss na miss ko na siya pero para bang nakakalimot na siya sa akin.
Baka nahuhulog na talaga ang loob niya Kay Josephine o baka naman Kay Mira.
Kaya hanggang maaga pa, sisirain ko na si Josephine sa kanya.
At isusunod ko naman si Mira.
Mahirap nang maagawan. Ang pinakaayoko sa lahat ay ang inaagaw ang akin.
Pero mukhang hindi na ako mahihirapan dito Kay Josephine. Halata namang may itinatagong siyang sikreto.
Mula pa man noong magkaibigan kami, madalas siyang wala kapag gabi dahil daw mayroon ipinapagawa sa kanya si Ms. Carein.
Pero hindi ako naniniwala.
Aalamin ko ang itinatago niyang baho.
Mas maganda nga kung mapatay na rin siya ng killer.
Bago ako.
Alam kong ako ang tinutukoy niya sa pang apat na salita, killer.
Hay. Ang gulo talaga ng buhay ko.
Kailangan ko munang bumuo ng plano.
Habang busy sila sa pagiisip tungkol sa mga nangyari, sisimulan ko ang pagiimbestiga Kay Josephine.
Balita ko ay aalis na naman siya ngayong gabi.
Sinundan ko lang siya nang sinundan at dahil tanga siya, hindi niya naramdaman na sumusunod ako.
Nakarating kami sa liblib na lugar sa Orphanage.
Pumasok siya sa isang kuwarto.
Sabi ko na nga ba at hindi siya nagpupunta Kay Ms. Carein eh. May iba pa.
Naghintay lang ako ng napakatagal sa labas.
Dahil ngalay na ngalay ako ay umupo muna ako sa gilid.
Hindi pwedeng masira ang beauty ko.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...