"just like a tug of war."
___________________________________________________
Shiku's POV
Nawawala si Brianna at Mira.
Hindi ko nailigtas si Mira.
Napaluhod na lang ako.
Dahil kung ano man ang balak nila ay hindi ko na kontrolado.
"Mira....."
"Huwag kang mamamatay."
Jaime 's POV
Biglang may boses lalake na nagsalita sa speaker.
Si Mr. Hatsune.
"Everyone, come here."
Lumapit ang lahat sa gitna.
Bumaba na ng stage si Mr. Hatsune at lumapit si Ms. Carein.
"Magkakaroon tayo ng laro. Capture the flag. Pero imbes na flag ang icacapture. Tao ang huhulihin niyo." Sabi niya at umubo saglit.
"May dalawang grupo. At ang bawat grupo ay may hawak na tao n hindi pwedeng nakuha ng ibang grupo."
At pagkatapos nun ay nagtawag na ng mga pangalan sa unang grupo.
Elizabeth
John
Eric
Jaime
Francis
Angel
SamKagrupo ko ang mga katropa ko noon at ngayon.
May mga iba pa.
Jasmin
Hazel
Anna
Samara
JanaBakit ba nakagrupo namin ang mga mahihinang yan?
Jon
Daniel
Adrian
Joel
BobAt sinamahan pa ng mga mayayabang.
17 kaming lahat.
Ang kabilang grupo ay kinabilangan nila
Shiku
Stephanie
Andrea
Jaken
Samantha
Jean
Yana
Evan
Holly
Maika
Troy
Alison
Mary
Agatha
Lance
Carla
Justin17 din sila.
Ang ibang bata ginawang pampagulo.
At kung wala sila Brianna at mira...ibig sabihin...
"Ng taong kailangan protektahan ng group 1 ay si Mira at ang taong dapat hawakan ng group 2 ay si Brianna. Ibig sabihin, si Mira at Brianna ang mga hostage nyo."
"Ng pwesto g group 1 ay sa kaliwang dulo samantalang a kanang dulo ang group two. Pumunta na ng magkakagrupo dahil dun na nakatali ang mga hostage."
"Ang gagamitin niyong panlaban ay ang mga sarili nyo. Pwede kayong kumuha ng patpat O anumang patalim sampaligid niyo."
Kaya pala may Kumuha Kay Brianna at mira.
Pero ako yung hinihila kanina.
Ibig sabihin...
Ako dapat ang hostage at hindi si Brianna.
Nagsimula na ang laro.
Tumakbo na ang grupo ko sa pwesto namin at tama nga. Nandun si Mira na walang malay.
"Ganto kayo," tinuro ko ang mga mahihinang," wala kayong ibang gagawin kundi bantayan yang si Mira. Kapag pumalpak kayo, gugupitin ko yang mga buhok niyo!!" Sigaw ko sa kanila na halatang natakot.
"At kayo naman dapat bantayan niyo ang palibot ng base natin."
"Sus kami pa." Sabi ng isnag mayabang na matabang hi Di ko naman kilala.
"May mga patpat diyan s gilid."
Tinawag ko naman ang tropa ko.
Kami ang susugod sa kabilang kampo.
Shiku's POV
Mahihirapan kaming maglaro
Kilala ako ng lahat ng kasama ko pero hindi ko sila kilala.
Napakamalas
Ano bang binabalak nila?
Dinala ko na agad ang mga kagrupo ko sa base namin.
Nandun nga si Brianna.
Gising at umiiyak.
Pero hindi ko pa siya pwedeng kalagan.
Hindi kami pwedeng matalo dahil siguradong kamatayan ang parusa.
Ang iba kong kagrupo kabilang na dun si Andrea ay pinagbantay ko Kay Brianna.
Yung iba naman sinama ko sa akin para nakuha si Mira.
Tumakbo na agad kami papunta sa kabilang kampo. Si Jaken ang inaasahan ko.
Jaime 's POV
Una kaming pumwesto sa may carousel. Nagtago muna kami sa likod ng may kabayo nang nakita ko ang isa sa mga kagrupo ni Shiku.
Siguradong kagrupo siya ni Shiku dahil ang mga sinama ko sa akin ay mga kakilala ko kayat kung may makita man ako na hindi ko gaanong kilala ay siguradong sa kalaban yon.
Yan....hindi kasi kayo friendly kaya ang mga napunta sa inyo mahihina.
Isang ngisi ang pumorma sa mga labi ko.
Kasama ko si Angel.
At kahit kakampi ko siya...
Hindi ko hahayaan na mapatay niya ako. Ako ang papatay sa kanya sa pangalawang pagkakataon at sisiguraduhin ko na hindi na siya makakabalik
Ang alam ko lang si Maika to.
May hawak siyang patpat tulad ko.
Papunta na siya malapit sa kabayong pinagtataguan ko pero agad ko siyang napalo sa paa.
"Aray!," Reklamo niya.
Agad kong tinakpan ang bibig niya at tinakpan ng tela na nakuha ko mula sa mga sirang tent.
"Hmmppl". Pagpupumiglas niya.
"Anong ginagawa mo? Laro lang to!" Sita sa akin ni Sam.
" Akala mo lang yon! Hindi tayo pwedeng matalo!",
Tinignan niya lang ako na para bang nasisiraan na ako ng ulo.
"Dali! It ago mo siya sa tent na yon!" Agad naman siyang sumunod.
Umusad ang grupo ko papunta sa isa sa mga tent.
Kita ko ang pinasukan ni Sam mula dito.
Mga isnag minuto na ang lumipas.
Hindi pa rin siya lumalabas
"Nasan na si Sam." Tanong ni Angel.
"Hi-hindi ko alam. Pumasok lang siya dun kanina."
"Puntahan mo kaya?," Nagaalala niyang tanong.
"Dito lang kayo ha? Wag kayong aalis."
"Sige," sabi ng lahat.
Tumakbo agad ako papasok sa tent.
Madilim...
Tahimik....
Naglakad lang ako nang dere-deretso..... hanggang sa malayo na ang nalakad ko.
Wala akong Sam na nakita....
Nasa isang parang tunnel na ako.
Nang may narinig akong boses mula sa likod ko...
"Saan ka pupunta?"
Unti-unti akong lumingon.....
"Angel?"
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...