Any idea who the killer is?
___________________________________________________"I love you."
Murderer's POV
Bakit ba ganun kumilos ang lahat?
Na para bang walang nangyayari.Nawawala si Josephine pero wala man lang nakakapansin.
Ang pinaka kinaiinisan ko, hindi ko man lang alam kung sino ang pumatay sa kanya.
Isa ba sa mga tao ko?
May trumaydor ba sa akin?
Subukan lang nila kundi ay iisa-isahin ko ang paggilit sa mga leeg nila.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ms. Carein.
Biglang nagsipila ang lahat sa gitna.
"Magkakaroon tayo ng party bukas sabi ni Mr. Hatsune. May surpresa daw siya para sa inyong lahat. Masyado na raw kasing boring dito. At bukod don, may isa pa akong magandang balita para sa inyo." Nakangiti niyang sabi.
Wala namang kwenta tong matandang to dito eh. Pero hindi rin naman siya nakakasagabal. Ewan ko ba Kay Mr. Hatsune kung bakit hindi pa to pinapatay.
Bigla siyang tumabi sa gilid ng pintuan at pumasok si Ate Mira, kuya Shiku at.....
Ate?
Ate Angel!
Sabi ko na nga ba at babalik siya.
"Sabi ko sayo Stephanie eh. Babalik siya," nasabi ko na lamang sa katabi ko.
Mira's POV
Umaga na.
Pumunta agad kami sa office ni Ms. Carein para sabihin ang tungkol Kay Angel.
Nakakapagtakang hindi nagulat si Ms. Carein na makita siya.
Pagkatapos nun ay dumeretso kami sa kuwarto nang mga lalake at ino-announce ni Ms. Carein ang party bukas. Pumunta naman kami sa kuwarto ng mga babae kung saan pagkatapos niyang iannounce ang party ay pinakilala niya si Angel.
Ang pagbabalik nu Angel.
Halatang gulat na gulat ang lahat lalo na si Jamie na mukhang kinakabahan.
Si Stephanie naman ang pinakamasaya sa lahat.
Nakita ko rin na nandun si Francis kasama si Jamie na masama ang tingin sa akin pagkapasok ko.
Matapos ang announcement ay nagsibalikan na sa pagkukuwentuhan at paglalaro ang iba.
Natulog si Shiku sa kama ko. Wala talaga tong pakielam sa iba eh. Bwiset.
Bigla akong nilapitan ni Francis.
Alam na kaya niya?
Nagulat ako nang hinila niya ako palabas.
Nang nakarating kami sa labas ay itinaas niya ang kwintas ko
"Sayo to di ba?," mahinahon niyang tanong.
Hindi ako Sumagot.
"Narinig mo ba ang mga pinagusapan namin ni Jamie sa cr?,"
Wala pa rin akong sinabi.
Baka paginamin ko, patayin niya rin ako.
At baka kapag nagsinungaling ako, baka mas malala pa sa kamatayan ang abutin ko.
"Makinig ka. Hindi mo ako pwedeng kamuhian."
"At bakit?,"
"Dahil magkapatid tayo!," sigaw niya.

BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Misterio / SuspensoMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...