Ikaapat na Kabanata: Motives

46 3 0
                                    

I'm not sure kung may nagbabasa. But I'll do my best to update it everyday.

Comments or anything will be heartily appreciated.
I really need some motivation.

Yung pic po sa taas, si Jaken po yan.
___________________________________________________
"Not knowing is a big punishment."

Jamie's POV

Napakaganda ng umaga kahit wala pang liwanag. Sa katunayan, mas maganda ang umagang madilim.

Tuwing gumigising ako, lagi ko pa ring naaalala ang larong iyon.

Si Francis ang nakahanap sa akin.

Tumingin ako sa paligid. Kinuha ko ang flashlight sa chest ko, lahat kasi kami may chest na lalagyan ng mga damit at gamit namin.

Tinapat ko ang flashlight sa orasan na nasa itaas ng pintuang bakal.

3:43 am

Ang aga ko namang nagising.

Bumangon ako sa higaan ko at naglakad sa paligid ng mga kama sa kuwarto. Pinagmasdan ko ang mga natutulog kong mga kasama.

Sa kanan ng kama ko ay mahimbing na natutulog si Martha. Kinuha ko ang gunting sa chest ko.

Mabawasan nga ang bangs nito para mabawasan din ang kamalditahan. Hahaha.

Gumupit ako ng kaunti at hinulog ang buhok niya sa chest niya.

Sa kaliwa naman ng kama ko ay nakahiga si Chelsea sa sarili niyang kama. Para siyang fetus. Sana nga hindi na siya ipinanganak ng nanay niyang malandi. Kawawa naman, pinagpasa-pasahan ng kamaganak tapos iniwan sa ampunan!

Sa katapat ng kama ko ay ang kama ng bagong dating. Si Elmira. May araw din siya sa akin.

Pero bakit wala siya? Nasan na yun?

Hay, sana naman mawala na rin siya sa landas ko.

Sa pinakadulo ng kuwarto ay nakahilera ang mga iba ko pang kaibigan. Pero wala na si Caiche.

Kaninang umaga pa lang, napansin ko na na wala siya. At matapos ang narinig kong sigaw, nakumpirma ko na ang kamatayan niya.

Napakahusay talaga niya. Malinis magtrabaho.

Ipapasunod ko na rin si Josephine.

Ang malanding iyon, aalamin ko ang sikreto niya at sisirain ko pa siyang lalo Kay Francis.

Pinuntahan ko si Raphaela. Kawawa naman din ang isang to. Tinakwil ng kakambal niya. Parehas talaga sila at magkamukhang-magkamukha.

Parehas na uto-uto.

Lumapit naman ako Kay Francis na NASA sahig. Katabi niya si Kim.

Hinalikan ko sa noo si Francis. Napakagwapo niya pa rin kahit na tulog.

Kontento na ako.

Bumalik ako sa higaan ko at natulog na muli.

May napaniginipan ako.

Hanggang kailan mo ba ako mumultuhin, Angel?

Mira's POV

"Alam mo na ba kung bakit Katana ang pangalan ng Orphanage na to?", tanong niya nang nakangisi.

Kasalukuyan niyang hawak ang katanang sinasabi niyang pinakamaganda at pinakamahal.

Ang sakit na ng braso at kamay ko na nakatali sa likod ko.

Nasa isang kuwarto ako na puno ng iba't ibang uri ng Katana. Maliwanag at parang museum.

" Wala akong pakialam, Jaken!," pasigaw kong sabi sa kanya at dinuraan ang mukha niya.

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon