Si Jamie po after.... The revealer's death 👆👆👆👆
"You fear not for others but for yourself."
Pawn's POV
Tapos na ang tanghalian.
Nagsialisan na ang lahat at nagsipuntahan sa kung saan saang lugar sa Orphanage na hindi restricted. Pero isa lang ang taong tinututukan ko. Si Martha.
Alam na naman siguro niya na siya ang isusunod namin. Medyo na-delay nga lang dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkamatay ni Raphaela na wala namang kinalaman sa plano.
Kung mapagbibintangan man kami, mas gugustuhin ko na na kami talaga ang pumatay.
Umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya na dati kong mga kaibigan.
Nagpahuli ako sandali pero sinundan ko pa rin siya.
Nakaayos na ang lahat.
Hindi ako pwedeng pumalpak dahil kapag pumalpak ako baka ako ang patayin niya.
Bakit ko ba kasi hinayaan na magamit niya ako? Samantalang nasa likod ko naman si Mr. Hatsune.
Ay oo nga pala. Mas malakas siya Kay Mr. Hatsune dahil siya ang bunso.
Nakasilip lang ako Kay Martha.
Nakita kong nagpaalam siya sa mga kaibigan niya para kunin ang panyo niya.
Hahaha.
Kahit kelan talaga hindi ako nagkakamaliKilalang kilala ko na silang lahat at alam ko na hindi kayang kumilos ni Martha nang wala ang panyo niya.
Napakaarte kasi.
At iyang kaartehan niya ang papatay sa kanya.
Ay hindi, ako nga pala ang papatay sa kanya.
Sinundan ko siya nang walang nakakakita sa akin.
Dalawa lang kami sa kuwarto.
"Oh, may kukunin ka rin?," sabi niya habang kinukuha sa chest niya ang panyo niya.
"Paano mo tinanggap ang pagkawala ni Chelsea?," tanong ko."Ano bang klaseng tanong iyan?!," na bigla niyang tugon.
"Minamasdan kita sa malayo. Mukhang masaya ka na wala na siya. Namiss mo ba siya kahit konti?," pang-aasar ko at unti-unti akong lumapit sa kanya at sa chest ko.
Binuksan ko ang chest ko at hinawakan ang kutsilyo.
Ipinakita ko ito sa kanya.
"A-anong ibig sabihin nito?!,' hindi siya makagalaw dahil sa sobrang gulat.
" tapos na si Caiche, ang lalaking nangloko sa akin. Ang sabi niya mahal niya ako! Pero hindi pala totoo kaya pinatay ko siya at mabuti na lang dahil yun din ang utos niya sa akin."
"Sunod si Chelsea. Naging mabuting magkaibigan kami. Sa totoo lang alam niya na nabuhay ako eh! Pero sasabihin na niya sana noon na buhay ako pero hindi ako papayag na pangunahan niya ako! Sinungaling siya! Sabi niya Tutulungan niya ako pero yun pala balak niya rin akong tapusin!. At ikaw....."
" naaalala mo ba noon? Nang ibuko mo ako sa lahat?! Nang ipagkalat mo ang relasyon ko Kay Mr. Hatsune?!," galit na galit kong sabi sa kanya.
Tatakbo sana siya pero nahabol ko kaagad siya.
Mas malakas ako kaya nasugatan ko siya agad na mabilis na nagpahina sa kanya.
Napahiga ko siya sa sahig at unupuan siya sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Katana Orphanage
Mystery / ThrillerMira. Lumaking matapang sa kabila ng mga hirap at pagkakamaling nagawa sa buhay. Ngunit sa pagtapak niya sa lupaing kinatitirikan ng isang bahay-ampunan, nagbago ang lahat. Hindi lang siya ang may sikretong pinagmulan at tinatakasan. Ngunit sa hul...