Ika-labing Isang Kabanata: Hanging Death

17 3 2
                                    

"Why do I fear of losing you when I've learned not to trust you again?"
___________________________________________________
Francis' POV

Nasa isang kuwarto kami ngayon.

Gabi na at tulog na ang lahat.

Kasama ko si Jamie at Josephine.

Kaming tatlo lang.

Matapos kong um-oo sa plano ni Jamie parang biglang nagbago ang isip ko.

Kaya ko ba talagang gawin ito Kay Josephine?

Nakatali ang mga kamay niya gamit ang lubid na nakasabit sa kisame. Sa sobrang taas, hindi na naaabot ng paa niya ang sahig.

Wala siyang malay.

Josephine, gagawin ko to kasi mahal kita.

Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha.

Nakatayo at nakaharap sa kanya. Hindi ko kayang iiwas ang tingin ko.

Nagulat na lang ako nang may bumuhos ng tubig Kay Josephine at dahil sa sobrang lapit ko sa kanya ay natalsikan ako.

Si Jamie.

Biglang nagising si Josephine.

"Francis?,"

"Francis! Francis!," humahagulgol niyang sabi.

Napatalikod ako. Hindi ko to kayang gawin.

"Ano ka ba?! Huwag kang makinig sa kanya! Niloloko ka lang niya!," sigaw sa akin ni Jamie at binato ang hawak niyang balde sa gilid.

"Hindi ko to kaya," napatakip na lang ako ng mukha at napaluhod sa harap niya.

"Edi ako ang gagawa!," galit na galit niyang sabi at lumapit siya Kay Josephine.

May hawak siyang patpat.

Gusto ko siyang pigilan pero hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng mahal ko.

Hindi ko matanggap ang katotohanan na habang naghihintay ako ay may lalake na palang nakakagalaw sa kanya.

Manloloko siya!

Napatayo ako at pinagmasdan ang eksena sa harapan ko.

Nagmamakaawa si Josephine.

Lumingon muna sa akin si Jamie.

At bigla niyang hinampas ang braso ni Josephine.

"Aray!," sigaw ni Josephine.

"Tulong!!!"

Pagkatapos nun ay pinaghahampas niya nang sunod-sunod si Josephine.

Walang nagawa si Josephine kundi umiyak at sumigaw dahil sa sakit.

Namumula na ang mga braso niya.

Nagulat ako nang ibigay sa akin ni Jamie ang patpat.

Wala sa loob ko na kinuha iyon.

Para akong sinapian ng demonyo.

"Mahal kita.'

Josephine's POV

Hindi ako makapaniwala.

Napakasakit na ng katawan ko.

Pero mas masakit ang puso ko.

Francis. Bakit?

" Magpapaliwanag ako," pakiusap ko Kay Francis.

Pero hinampas niya lang ako ng patpat sa hita.

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon