Ika Dalawampung Kabanata: The Elite

9 0 0
                                    

"My Savior."

Mira's POV

Nagising akong nananakit pa rin ang katawan.

Nagising akong wala na sa carnival. Nasa kwarto ako. Nakahiga sa sarili kong kama.

Nagising akong walang gapos.

Nagising ako dahil sa sigaw ni Ms. Carein Tulad ng dati.

"Mira? Gising ka na ba?" Narinig kong tanong ni Shiku.

Kahit nahihirapan ako ay pinilit kong bumangon. Tumingin ako s apaligid ko at parang normal lang ang lahat.

Nagsilabasan na ang iba hanggang sa kami na lang ang natira.

"May problema ba Mira?" Tanong niya.

Pero isa lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Galit.


"Akala mo ba hindi ko pa alam?"

"Ha-ha? Ang alin?" Nagtataka niyang tanong.

"Pinabayaan mo akong makuha nila!" Sigaw ko sa kanya at pinaghahampas siya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hindi mo alam kung anong ginawa niya sa akin!"

Umiyak lang ako nang umiyak.

Sinaktan ko lang siya hangga't gusto ko, hanggang kaya ko.

Wala siyang ibang ginawa kundi yakapin ako.






Nang mahinahon na ako, bigla siyang nagtanong.

"Ano bang...napaniginipan mo?"


Napatingin na lang ako sa kanya.

Anong ibig niyang sabihin?

Imposibleng...nanaginip lang ako.


Sinubukan kong tumayo pero bumagsak langa ko.

"Mira!" Inalalayan niya ako pero tinulak ko lang siya palayo.

Tumakbo ako, mabagal pero pinilit ko.

Pumunta ako sa dining kung nasaan ang iba pang mga bata.


Pagpasok ko ay kumakain lang silang lahat.

Normal.

Pero hindi pa rin ako naniniwala.

Lumapit ako kay francis habang nakasunod naman s aakin si Shiku.

"Mira, ano ba?'

"Francis,nasaan tayo kahapon?"


Hindi agad siya nakasgaot dahil sa pagkain sa bibig niya.

Tumingin muna siya sa amin ni Shiku na may ekspreyon sa mukha niya na hindi ko mabasa.

"Hindi naman tayo umaalis ng bahay-ampunan di ba?" Sagot niya.


Para akong nanghina sa sinabi niya.


"Ano bang eksena yan? Ang arte!" Narinig kong sigaw ni Jamie.

"Mira, tara na. Dun ka muna sa kuwarto."

Katana OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon