Chapter 4

146 8 0
                                    

AKI SMILE when she entered Franco's car. He smiled back at agad naman itong nagmaneho nang makapasok siya.

Tumingin ito sa kanya sabay ngiti bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan nito iyon.

"I miss you," he said.

"I miss you, too. Kamusta ang tour?" tanong niya.

He shrugged. "Successful."

Ngumiti siya. Mayamaya ay nakarating na sila sa lugar na hindi masyadong pinupuntahan kapag gabi. Doon sila safe at walang nakakakita sa kanila.

Nauna siyang bumaba rito. Aki smile and breathed in and out, masarap kasi ang simoy ng hangin. Hindi nagtagal ay niyakap na siya ni Franco mula sa likuran niya.

"Bakit mo pala ako gustong makita? Aside sa mamimiss mo ko," aniya na ikinatawa nito.

"Ang bilis mo talagang magsalita."

Humarap siya dito. "So, ano nga?"

Binitiwan siya nito at saka bumalik sa loob ng kotse. May kinuha ito doon at pagbalik nito sa kanya ay may dala na itong isang kahon.

Iniaabot nito iyon sa kanya. Naguguluhang tinanggap niya iyon bago tumingin dito na nagtatanong.

"Open it."

Sinunod niya ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang laman niyon. It was a wristwatch. Ibinalik niya ang tingin dito, she couldn't utter a word, she gave him a confusing look.

Franco smile, kinuha niya ang relo sa kahon at inilagay iyon sa pulsuhan niya. Its a good thing na wala rin siyang suot na relo nang mga oras na iyon.

"There. Bagay nga sayo, mabuti na lang at binili ko siya," anito habang hawak pa rin ang kamay niya.

"Uhm, thanks. It nice. Pero para saan?" tanong niya.

"Wala naman. I have this feeling lang na habang tinitingnan ko siya, ikaw ang biglang rumehistro sa isip ko. Then, I decided to bought it," wika nito.

Aki smile. "Salamat. I kinda like the style."

"That watch have a pair," anito sabay taas ng kaliwang kamay nito.

Medyo may kalakihan lang iyon pero kapareho ng disenyo ng sa kanya.

"Salamat, I love it."

He hug her. "You're welcome. Wear it everytime you feel to wear it."

"Okay."

Nanatili silang magkayakap. Inihilig lang niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Hinigpitan nito ang yakap sa kanya.

"I wish we could just stay like this forever," mayamaya ay sabi nito.

"Kung pwede nga lang eh. Pero, sorry ka, hindi pwede," aniya at ngumiti.

Franco laugh lightly and kiss her crown. Tiningala niya ito, ngumiti ito. He kiss her hand three times. Aki couldn't hide her smile. Franco is not the type of guy na sweet at romantic. Pero simula noong bago ito umalis papuntang Hong Kong last month ay naging sweet na ito, hanggang ngayon.

"I'm curious."

"About?"

Kumawala siya sa yakap nito at tiningala ito. "Bakit parang nagiging sweet ka ngayon?"

"What? Pa'no naman nasabi yan?"

She scoffed. "You weren't like that before."

He smile. "Really?"

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon