Chapter 24

98 4 0
                                    

"ALEX, ANO ANG ginagawa natin dito? I though something happened to Franco, but why are we here?"

"Heto, just go to this place, may aasikasuhin muna ako, just go up there, susunod ako, okay?" anito at saka binigyan siya ng isang card.

Tiningnan niya ang binigay nito. Pass for a rooftop dinner.

"Rooftop dinner? Alex-"

"Just go, okay? Ipakita mo lang yan sa waiter, alam na nila yan, sige na, baba na," anito.

Naguguluhang bumaba siya ng kotse at tinungo ang entrance ng restaurant. She was greeted with a smile by the waiter.

"Good evening ma'am. Welcome."

"Uhm, hi. I was ahh, instructed to give this," aniya sabay abot ng card.

"Oh, yes of course ma'am, right this way."

Dinala siya nito sa elevator at saka pinindot ang 8th floor. Napakunot ang noo niya nang marinig ang usapan nito sa kabilang linya.

"Yes, sir. Malapit na po," anito.

Akmang magtatanong siya kung sino iyon pero bumukas na ang pinto.

"Andito na po tayo. Please follow me po."

Sinundan niya ito. Habang papalapit sila ay nakikita na niyang may mesa at mga iilang staffs na naghihintay. Napaamang siya sa ganda ng set up.

"Andito na po tayo."

Napakurap siya. The place was romantic, and all she can see are red colors. Her favorite color.

"S-sinong may gawa nito?"

"Kami po ma'am, he hired us for this."

"H-he?"

Nakangiting tumango ito sa kanya sabay tingin sa likuran niya. Napalingon din siya sa tiningnan nito. And she was astonished to see Franco walking towards her.

"Thank you, Vince. I'll take it from here," anito sa waiter.

"Pleasure, sir. We'll serve the menus on your marks."

"Alright, just give me time to talk to her."

Nang sila na lang ay hinarap na siya nito. "Baby? Are you okay?"

"What is t-this all about? I thought something happened to you?"

Ngumiti ito. "It was a scheme, baby. I didn't tell Alex what to do, she just do it her way, and I guess it worked, now that you're with me."

Hindi niya alam pero bigla siyang naiyak. Hinampas niya ang dibdib nito. "Liar! Pinaasa mo ko tapos bibiguin mo ko. Tapos ganito? Ang galing mo nakakainis ka!"

Lumakad siya at saka tinahak ang daan na binagtas kanina. Pero hinawakan nito ang braso niya at nasa harap na niya ito. Pinilit niyang kumawala pero mas malakas ito sa kanya.

"Let me go!" aniya sa naiinis na boses.

"Baby, please, let me explain. It was really a surprise. Kaya ko lang nasabing hindi ako pwede dahil nga inasikaso ko lahat to, becausd this time ay babawi ako dahil sa mga monthsary natin na wala ako. Can you please stop being mad at me?" malumanay pero mabilis nitong sabi.

Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ito habang tumataas-baba ang dibdib niya. Lumapit ito sa kanya at saka ikinulong sa yakap.

"Can we just enjoy this night? Its our 10th monthsary, remember?"

"I-I'm sorry, I should not have shouted at you," aniya at gumanti ng yakap.

"Happy monthsary, baby. I love you."

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon