"YOU SHOULD REST, Alwina. Maybe its time para magresign ka muna," Franco said.
Umiling ito. "No. Kaya ko pa."
"No, you don't. Lagi ka na lang daw nahihilo. Come on, para naman sa sarili mo to," aniya at iniabot dito ang tubig.
"I called you para samahan ako pauwi, hindi ang sermunan ako. Ano ka ba naman," anito at humalukip sabay simangot.
Napailing si Franco. "Kapag ganyan ka, sasabihin ko na talaga kay Aki. Nang sa ganoon ay matauhan ka at kailangan mo ng pahinga."
"Hey, you wouldn't dare."
"Yeah. I will dare and care to tell. So ano? Choose," aniya at tiningnan ito ng diretso. His face begins to stern.
Umirap ito at saka umiwas ng tingin. Hindi ito nagsalita at saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa bahay siya nito ngayon dahil tumawag ito kanina na masakit na masakit ang ulo nito.
"Have you gone to the doctor?" tanong ni Franco.
"Yeah," anito at bumuntong-hininga.
"And?"
"Stage 2."
Lumapit siya dito. Hinawakan niya ang mga braso nito at saka pinaharap niya ito sa kanya.
"You should tell Aki as soon as possible. Nang sa ganoon ay wala kang tinatago sa kanya, o kahit na ako din. Kung ako lang ang masusunod sinabi ko na agad. Mas mabuti ng maaga," aniya.
Umiling ito at saka yumuko. "I-I can't, Fran. I j-just can't. Hindi ko ngayon kayang sabihin. I need time."
Niyakap niya ito. "Kaibigan kita, Win. Kahit na masakit sa akin, hindi ko rin matanggap kung bakit nangyayari to. Its so awful, but I know malalampasan mo to. You have me, and Aki as well. Hindi ka namin iiwan alam mo yan."
"Thank you, Fran. Mahal ko kayo ni Aki, kaya ayokong malaman niyo to. Kasi masasaktan lang kayo, lalo na si Aki. Alam mong masaya siya ngayon, and I don't want to ruin her happiness."
Bumuntong-hininga siya. "But you have to tell her-"
"I know. Just, just give some time. Ayoko siyang biglain."
Bumitaw siya sa yakap. "Okay, fine. Pero aalis ka na sa trabaho at magpahinga ka. That's a deal, or else, sasabihin ko kay Aki."
Natawa ito ng mahina. "Are you blackmailing me?"
"No, death threat."
Hinampas siya nito sa braso. "Loko!"
Natawa siya. "Okay, magpahinga ka na. Aalis lang ako kapag mahimbing na ang tulog mo."
"Salamat."
Nang masigurong nakatulog na ito ay inayos niya ang mga gamit bago isinara ang mga pinto at saka siya umalis. He called Aki but she didn't pick up. Inulit niya iyon pero wala talaga. Napailing na lang siya, maybe she's busy.
Sumakay na siya ng kotse at saka umuwi na sa dorm.
"AKI, ARE YOU OKAY?" tanong ni Alex sa kanya nang makapasok siya sa loob ng dorm.
Dumiretso siya sa kusina na parang walang naririnig. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig bago iyon isinalin sa baso.
"Aki!"
"What?" walang ganang tanong niya.
"Are you okay? Bakit ka nakasimangot?" Alex ask.
"I-I'm just tired. Matutulog na ko," aniya at ngumiti ng walang lakas.
"A-are you sure? Gusto mong tawagan ko si Franco para sayo?"
Umiling lang siya at saka nilampasan ito. Dirediretso siya sa kwarto niya at saka inilock ang pinto. Pabagsak na humiga siya sa kama at saka sumubsob sa unan niya.
BINABASA MO ANG
Secret Love (COMPLETED)
FanfictionThis story is next installment of Yes, It's Love. Imaginary Characters: Krystal Jung as Aki/Sonara Jung Minhyuk Kang as Franco Kang All names that are mentioned on the first story are still here. Thank you for reading.
