Chapter 9

126 7 0
                                    

"TALAGA? AS IN AKI?" tanong ni Welcy sa kanya.

"Yes," she said while smiling.

"Oh my gosh! That's great then! Since when?" tanong nito.

"Well, we've been together for almost 7 years, but in those years hindi kami nagaa- I love you sa isat-isa. We exchanged those phrases 1 month ago," aniya habang nakangiti rito.

Kasama niya ito sa isang café na may kalayuan sa SME. Kaunti lang ang tao doon nang mga oras na iyon pero pinili nilang sa dulo umupo. May kanya-kanyang lakad kasi ang mga kagrupo nila kaya silang dalawa ang magkasama dahil nakasalubong niya ito sa hallway ng SME.

"Gosh. Nakakainggit ka naman. Si JD kaya, kailan ako mapapansin?" anito sabay buntong-hininga.

"Crush mo talaga yung tao no? Halos hindi ka na nga pinapansin eh," aniya.

She knew Welcy deserves someone else. Kung bakit kasi iisang lalaki lang ang nakikita nito. Well, JD is a good catch. Pero kasi malabong magustuhan nito si Welcy kapag ang una ang unang nagpapakita ng motibo. Knowing JD, he is a man of few words.

Naalala niya noong highschool days ay habulin si JD ng kahit na sinong girls sa campus nila. Pero lahat yun ay deadma ang lalaki. Siya nga lang ang kinakausap nito dahil magkapitbahay sila noon sa isang compound. Pero ngayon ay civil na lang ito sa kanya, pero in a friendly way pa rin.

"Ewan ko nga din, Aki. I feel like JD is my soulmate. I really want to melt that ice in his face. Parang yelo, ang tigas, sa stage lang siya ngumngiti ng totoo."

"Syempre no. Alangan namang magbubusangot siya sa harap ng mga fans niya. Mabait naman yun, pero kasi hindi talaga siya mahilig magsalita," wika niya.

Welcy sigh and drink her tea. "Hay nako. Bahala na. I mean masaya ako na binibigyan siya ng mga gifts kahit medyo napipilitan sitang tanggapin ang mga yun. Atleast tinatanggap niya."

Aki shook her head. "Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pagiging martyr mo, teh. You're so naive."

"Ouch ha. Masakit," anito pero nakangiti naman.

Natawa na lang siya. Halos masamid siya dahil impit na tumili ito sabay hampas sa kamay niya.

"Naman! Nakakagulat ka naman eh. Bakit?"

"JD's coming."

Agad na napalingon siya at tama nga ito. JD's coming in their direction with his poker face and his hands on both pockets of his pants. He's wearing a bull cap and a shades.

"JD, hi. Nag order ka rin ba?" tanong ni Aki rito.
"No. I came here to borrow Welcy from you. I have something to tell her," sagot nito sabay tingin kay Welcy.

Nagtinginan sila ni Welcy. Confused was written all over her face and Aki's sure her face is too.

"Y-you sounded serious. Is everything okay?" Welcy asked.

"We need to talk. Just the two of us in a private place. Aki, I hope you don't mind."

"Uhm, no. Not at all, Wels go," aniya sabay tango kay Welcy.

"O-okay. I'll call you later, bye," anito at bumeso sa kanya.

"Alright. Ingat kayo."

JD just smile a bit and let Welcy go first. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa nakapasok na ang mga ito sa kotse.

Napailing na lang siya. I hope everything will be alright. At sana, magawa na ni JD na huwag maging civil na lang kay Welcy.

"AKI, HAVE YOU SEEN, Welcy?" tanong ni Sandy kay Aki nang makasalubong niya ito sa Hallway ng SME.

Nakayuko kasi siya dahil busy sa cellphone niya kaya hindi niya ito napansin.

"Oh, she's with JD," mahinang sagot niya.

Nanlaki ang mga mata nito. "What?!"

"Shhh. Makareact ka naman," saway niya rito.

Tumingin ito sa paligid bago tinakpan ang bibig. "Sorry. Pero seryoso? As in magkasama nga sila ngayon?"

"Yeah. JD came to the café and asked me if he could borrow Welcy from me since kasama ko siya kanina. Nang pumayag ako umalis na sila agad," she said.

"Yeeeee! Kinilig ako bigla kay Welcy!"

Aki smile. "Oo nga eh. Nagulat kami pareho nang si JD mismo ang gustong makipagusap sa bruha."

"I couldn't wait to talk to her. Mauna na muna ako."

"Okay, uuwi rin naman ako ng dorm," aniya sabay yakap dito.

"Bye."

"Bye."

"SO, YOU TWO ARE DATING?" tanong ng ina ni Franco sa kanya.

"Sorry for not telling you right away, Mom. Aki said we'll keep it private muna. But, yeah, we are," he said and hugged her mother.

"Oh, its okay, baby. Hindi kami galit because we already knew. Naghihintay lang kaming sabihin ninyo," she replied.

Bumitaw siya rito at tiningnan ito at ang daddy niya. "Since when?"

"During your Tita Danica's birthday, hijo. I saw you two kissing, at sa kusina pa talaga?" his father scold but is smiling.

"Oo nga. Anak naman, sana sa kwarti or sa ibang parte ng bahay. Its a good thing ang daddy mo ang nakakita, paano kapag iba? Eh di headlines kayo? Magugulo ang mga buhay niyo dahil sa issue na yan."

Franco laugh lightly. "Sorry. But we made sure the coast is always clear Ma. Aki and I can handle this. We just need time, you know. We're both busy. But we're planning to tell you and to her parents as well."

"Atleast I know that the two of you will suit it other. Her parents and me and your dad already agreed to arrange a wedding for the two of you. We want to you know, make our friendship bond forever since magkaibigan kami ng matagal."

"I know, Ma, and Aki does know that. When we're ready, I promise I will aske her hand properly to her parents," he said smiling.

Her cupped his face and kiss him on the cheeks. "Naku, binata na talaga ang baby ko."

"Ma, hindi na ko bata," nakangiwing sagit niya pero napangiti naman ng sumimangot ito at tumawa ang daddy niya.

"Aalis ka na ba ngayon?"

"Yes, Dad. May rehearsals pa kami ng banda para sa events night bukas eh. Then aalis kami papuntang Dallas para sa tour namin," said while fixing his hair.

"Ang busy mo na talaga."

"Ma, I chose this and I'm used to it. Alam niyo naman na mahal ko ang music, lalo na kapag nasa drumkit set na ako," he said and hugged her pouting mother.

"Ano pa nga ba? You got it from your father."

"Honey, huwag mo ng gawing issue ang pagmana niya ng talento ko sa drums at piano. Gusto niya yan," her father said while smiling widely.

"Hay nako,oo na nga, pero bago ka umalis kumain ka muna. I won't allow you to drive na walang laman ang tiyan," his mother said and went to the kitchen.

Napailing na lang siya habang natawa ang daddy niya.

"Your mom is always cute whenever she pouts," his dad said and patts his shoulders.

"Yeah. Super cute, Dad."

"Tara, kumain ka na para makaalis ka agad."

Tumango siya at saka sumunod dito.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon