Chapter 18

109 8 0
                                        

"KAMUSTA ANG BAKASYON mo sa tita mo?" tanong ni Ate Ivine kay Aki.

"It was fun."

Kasama niya ito at si Kuya Brace sa bahay ng mga ito. Karga niya ang inaanak na si Bryce habang natutulog. 4 months old na ito and she was really a carbon copy of Ate Ivine. Siya muna ang nagpatulog dito dahil alam niyang walang pahinga si Ate Ivine lalo na kapag iiyak ang bata kung gabi.

Pero hindi naman nito napapabayaan ang katawan nito. Maganda pa rin si Ate Ivine.

"Mukha ngang fun, halata."

Natawa siya sa sinabi ni Kuya Brace. "Totoo naman eh. And besides, tita and tito finds time para makabonding kami kahit na busy sila."

"Wala ka bang balak na sabihin sa amin kung nanood ka ng concert nina-"

"For the record, I didn't. Mahirap na no."

Natawa ang dalawa.

"Ako na diyan, umupo ka na at kumain," sabi ni Ate Ivine at lumapit sa kanya.

"No, no. Its okay ate. Minsan ko na nga lang makarga si Bryce, hayaan mo muna ako. And besides, lagi mo na lang siya karga. I can do it," aniya at ngumiti.

"Okay, sabi mo eh," anito at umupo ulit sa tabi ni Kuya Brace.

Ngumiti siya at saka inihele muli ang bata. She was an epitome of love, a result of a wonderful story- love story.

"Bagay sayo. Pwede na," wika ni Kuya Brace.

"Bagay mag alin?"

"Maging mommy."

Natawa siya nang hampasin ito sa tiyan ni Ate Ivine. Tumawa rin ito.

"Anong bagay ka diyan. Hindi pa pwede yan, bata pa yan," wika ni Ate Ivine na ikinatawa niya.

Anong bata? Eh naibaba na ang bandera ng Bataan.

"Love, hindi na bata yan. Aki's-"

"Twenty three," sabad niya.

"O, maaga pa. Bata pa siya."

"Right. Pero hindi ko pa balak magasawa muna ngayon," she jokingly said.

Natawa ang dalawa.

"Is Franco busy?"

"Hmm, probably. Kasama siguro mga kabanda niya. One week na kasi kaming di nagkikita, bakit?"

"Wala naman. So, wala kayong date?"

"Tatawag naman yun kung meron nga," she said and shrug her shoulders.

Nagbonding muna siya sa inaanak at sa dalawa bago siya umalis. Bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa cafe. Nang mabili ang gusto ay bumalik siya sa sasakyan. Nagulat siya ng makitang may pamilyar na bulto na nakasandal sa pintuan ng passenger seat ng kotse niya. Ngumiti ito nang mag angat ng mukha at makita siya. She smiled back.

"Franco," sabi niya nang makalapit na dito. He was wearing a bull cap and a shades.

He hugged her tight and kiss her head. "Hi baby. I missed you."

"Miss you too."

"What did you bought?" tanong nito.

"A latte. Do you want to buy anything? I can go back."

"No. Let's just get out of here and go somewhere else."

"Okay."

"SAAN TAYO PUPUNTA, Franco?" tanong ni Aki nang mapansing iba ang dinadaanan nila. It wasn't the route that she had known.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon