Chapter 28

105 7 0
                                    

"DUDE, AREN'T YOU going to see Aki? Malamang nasa dorm na siya."

Napatigil si Franco sa akmang pagpalo sa drums sa sinabi ni Jude.

"No, kadarating lang niya, baka nagpapahinga pa."

"O baka nahihiya ka lang lumapit dahil baka itaboy ka," ani Kuya Yam. Its a statement rather that a question.

"B ako. Malabo sa A," sabad ni Jude.

Napailing na lang siya sa sinabi ng mga ito. "Ewan ko sa inyo. Magpractice na lang tayo, ang dami niyong sinasabi."

"Asus, iniiwasan mo lang kamo," wika naman ni Kuya Jam.

Natawa na lang siya. "Practice na tayo, ang gulo niyo."

Bukas kasi ay may concert sila sa Seoul. Unang gabi nila iyon at sa susunod na linggo ay sa Japan na naman sila matapos ang ikalawang gabi sa Seoul.

Nang makita niya sa news na nakabalik na si Aki sa bansa ay walang labis ang kanyang saya. Kung pwede lang ay susugod na siya sa airport at yakapin ito.

But he knew in his self that he can't do that. The woman doesn't seem ready yet, but he is willing to wait. Handa siyang maghintay dahil mahal na mahal niya ang babaeng iyon simula pa noong highschool.

"OH MY GOSH! REALLY?" tanong ni Aki kay Welcy.

Ngumiti ang una at saka tumango. "Yeah, its been 7 months."

"Oh, I'm so happy for you, Wels. Gosh, I need to have a word with JD, that man, naku, ang daming kyemi, mahuhulog din pala," aniya na ikinatawa nito.

Nasa dorm siya ng Red Violet. Nandoon si Ate Ivine at Bryce na nauna pa sa kanya. Inihatid ito ni Kuya Brace dahil may shooting ang una sa pelikula nito.

She surprised the girls and its a good thing na nasurpresa nga ang mga ito. Pero siya yata ang nasupresa dahil siya na lang ang hindi nakakaalam na in a relationship na pala sina Welcy at JD.

"Ewan ko ba kung bakit hindi mo alam. Eh halos nga mga fans namin at ng grupo niya doon sa US alam na eh. Ano ba ang ginawa mo sa LA ng dalawang taon?" tanong ni Welcy.

"Oo nga, at wala rin kaming balita sayo," ani Ate Ivine.

"Well, I uhm, did some charity work, with my aunt and uncle, medyo busy kasi sa labas kami ng LA nagoutreach. Some villages na malayo sa city, you know, para sa company campaign ng uncle ko, kaya, yun," sagot niya.

"So that's the reason why you weren't updated," Sandy said.

Ako just laugh lightly.

"So, have you called Kuya Franco?" tanong ni Yassy na ikinatingin niya rito. Maging ang iba ay ganoon din.

"Sorry, its okay, ate, you don't have to answer."

Ngumiti siya. "No, its alright, Yass. I haven't yet."

"Pero you're ready to see him?" Sandy asked.

"Yeah. I just don't know how."

Natahimik silang lahat. Maya-maya ay napatili si Jane.

"I've got a brilliant beyond brilliant idea."

"And that is?" tanong ni Welcy.

"You want to see him, right? Why not surprise him on their concert tomorrow?"

"Tomorrow? But, I have an interview on Hot Issues tomorrow night," aniya.

"O eh di sa next day. Two days naman ang concert nila, think of something kung papaano mo siya masusopresa," sabi ni Jane.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon