Chapter 27

108 5 0
                                        

NAPABUNTONG-HININGA si Aki habang nakatingin sa labas ng eroplano. Ilang minuto na lang at lalapag na siya sa airport.

"You seem tense, hija," ani ng personal manager niya na si Peter Yoo.

"Well, a little, tito. Its been two years and I miss the place, my membership, yeah."

"Plus him?"

Napailing siya nang makitang nanunukso ang mga tingin nito. Umiwas na lang siya at tumingin ulit sa bintana.

"You can ignore me, but not the press later, baka nga nandoon din siya nagtatago at naghihintay para makita ka," wika nito.

Pinili niyang huwag sumagot. Dahil maaring totoo iyon. Kahit na wala silang komunikasyon ni Franco sa loob ng dalawang taon ay inado siyang hindi ito papapigil kapag nakabalik na siya sa Seoul.

Dahil doon ay bumalik sa alaala niya ang naging usapan nila ni Jude, isang araw bago siya umalis papunta California.

Handa na ang mga gamit ni Aki kahit na bukas pa ang flight niya.

"Hindi ka naman excited, no? Nakaempake ka na agad," wika ni Ate Via sa kanya.

Ngumiti lang siya. Ngiting hindi abot hanggang tenga.

"Talaga bang sigurado ka na?" Ate Lia asked.

Nasa sala sila at kumakain. Alam na ng mga ito ang nangyari two weeks ago. Kaya nagpaalam siya sa mga ito at sa management na kung pwedeng maghiatus na lang muna siya.

Hindi niya kasi alam kung kaya niyang magconcentrate sa group activities nila kung hindi siya okay. Mabuti na lang at naintindihan siya ng management at ng mga kagrupo niya. She needs time for herself. Para magawa niyang makapag move on sa nangyari.

Yeah, move on. But not to the point na kakalimutan niya si Franco. Mas mabuting maghiwalay muna sila para makapag-isip siya o kahit na maging ito.

"Ayokong sirain ang comeback, wala ako sa sarili ko eh, I-I'm..."

"Okay, okay na. Huwag ka ng umiyak, hay nako, ano ba yan? Nakakainis," wika ni Alq.

"I'm sorry, guys. I didn't mean to ruin everything."

"What? Ruin everything? Why are you saying that? Of course not," ani Ate Via.

"We totally understand, Aki," wika ni Alex.

"Thank you," aniya at ngumiti ng magaan.

Mayamaya ay may kumatok.

"I'll get it," sabi ni Ate Lia.

Nang buksan nito ang pinto ay si Jude ang nass labas. "Oh, Jude, hi, pasok."

Ngumiti si Jude at nagbow sa kanila. Tumayo sila at ganun din ang ginawa niya.

"Hi, sorry kung medyo late na akong pumunta, naistorbo ko tuloy kayo," anito at ngumiti.

"Oh no, its okay. Kumakain pa nga lang kami, upo ka," ani Ate Via.

"Uhm, I'm sorry pero Aki can I talk to you alone? Just a moment," anito.

Nagtinginan silang apat. Tumango naman ang tatlo at saka tumayo.

"Sa kusina na lang muna kami," sabi ni Ate Lian.

Ngumiti at tumango siya sa mga ito at saka hinarap si Jude.

"Bakit?" tanong niya.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon